Gusto kita pero iba ang gusto mo,
Nakaw tingin palagi sayo kahit na nagmumukhang tanga na ako.Minsan nahuhuli mo akong nakatingin sayo kaya umaasa akong tinitingnan mo rin ako.
Pero hanggang asa nalang ba ako?
Palagi nalang ba akong walang puwang sa puso ng taong mahal ko?Ilang beses kitang nakitang nakatingin sa kanya
At sa tuwing tumitingin ka sa kanya, yung puso ko nadudurog na.Itinutulak at itinutukso ka ng kaibigan mo sa kanya, kaya minsan hinihiling ko
SANA AKO NALANG SYASana ako nalang sya na minamahal mo
Sana ako nalang sya na tinintingnan mo ng may pagmamahal
Sana ako nalang sya na nagbibigay saya sa buhay mo
SANA AKO NALANG SYAIsang araw habang tayo'y nasa paaralan
Sobrang saya ko sapagkat masusulyapan nanaman kita
Pero sa tuwing nakatingin ako sayo, nakatingin ka naman sa kanya .Nilapitan ako ng guro natin at tinanong kung sinong loveteam ang meron sa silid natin Sinabi kong ikaw at siya.
Pero sa isip ko sana yung SIYA ay maging AKO.
Sana yung KAYO ay maging TAYO
SANA AKO NALANG SYANoong tinawag kayo sa unahan kasama ang taong mahal mo
Tinutukso kayo ng mga nasa paligid nyo.Nakikitukso na rin ako habang tumatawa kahit yung puso ko umiiyak at nagwawala na.
Kita sayong mga mata ang saya sa tuwing nakatingin ka sa kanya
Ako kaya? Titingnan mo rin ba ako gaya ng pagtingin mo sa kanya?Kinakausap kita pero ang pinag-uusapan natin ay siya
Siya nalang ba palagi?
Paano naman ako?Ako yung laging nandyan para sayo?
Ako yung laging nandyan para mahalin ka?Pero ayaw ko namang maging kontrabida sa istorya nyo
Kung pwede naman akong maging bida sa sarili kong istorya.Pero kelan ba ko magkaka-istorya na ikaw ang aking kasama
Isang istoryang walang eextra
Yung tayong dalawa lang
Yung hindi siya kasama?Minsan naisip ko na sa dinami daming lalaking nagtangkang magpapansin saken bakit ikaw pa? Bakit sayo pa?
Kung alam ko namang hindi ako ang mahal mo kundi siya
SANA AKO NA LANG SYA
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY - Tagalog
Poetry❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie