Ang Huling Kanta

1.9K 5 0
                                    

"Nasa iyo na ang lahat"
ito ang lagi kong sambit,
"Mula sa puso"
inilalabas ng bibig ng paulit-ulit,


Pag tayo'y magkasama
Lagi tayong magka-"hawak kamay"
Mahal kita "just the way you are"
binulong halik't yakap isinabay,


Ikaw ang aking "prinsesa"
"san man patungo"
At "dadalhin" kita sa aking palasyo, pangako
Pina-panalangin ko na sana ikaw na ang aking "tadhana"
Ang salitang "bakit ba" nais burahin sa'king memorya




"Sa isang sulyap mo"
bumabaon sa kailalaman ng puso,
Sulyap palang yan wala pang salita
at ang "ngiti" abot na sa tenga ko.



Paano pa kung sabihin mong
"I'm yours" iyong-iyo ako,
"Sana" nga ngunit nag iba ang ikot ng mundo"biglang liko"


Tinanong kita "bakit may paalam"
ano bang mali ko?
Ginawa ko naman ang lahat "para sayo".
Hindi pa ba sapat ang aking "sakripisyo"
Bakit ka biglang naging "pusong bato"?



Na "overdrive" ako sa pag-ibig ko sayo
ang sakit nong ako'y nilisan mo,
"Paglisan" parang hindi ko kayang maibsan o mapalampasan 'to.
Naging "complicated" na ang buhay ko,
Gusto ko ng pukpokin ng "martilyo" ang ulo,



"I need you" yan ang kanta hahang may alak,
Tama nga ang sabi nila na "basta may alak may balak"
Kase gusto kung sindihan ang "dynamite" na hawak-hawak
Buti nalang may nag "flashlight" at parang may pakpak.


"Sambit niya"Salamat" at tayo'y nag kakilala at nag mahalan, mahal,
Patawad pagkat "hiling" ko ika'y  sumama  kahit na bawal,


Nag-pakita ako upang sabihin sayo na i'm "your guardian angel" at sana wag ng lumuha pa.
Hindi ko ginusto ito mahal ngunit ito ang ating tadhana hihintayin kita sa kabilang buhay mahal "paalam na"
-----mahal na mahal kita-----

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon