"MAHAL KITA"

2.6K 10 0
                                    


Diba ang sakit isipin na hindi na pwedeng ibalik ang dating tayo? Bakit ganun?Bigla ka nalang naglaho.

Ang bigat sa pakiramdam. Parang tila'y buhat buhat mo ang mundo Napakasakit isipin na ikaw ay may iba na.

Ngunit ano ang aking magagawa kundi ang palayain ka.

Pumasok lahat sa isipan ko ang mga masasakit na salitang binitiwan mo. "Ayoko na.Pagod nako.May gusto na kung iba"
Pag pagod pahinga lang walang susuko


Pero ikaw ay tila litong-lito.
May tanong ako na diko alam ang sagot.

Na bumabagabag sa aking pagtulog
Ngayong lang ako umiyak ng ganito


Yung sunod-sunod na pag-iyak
Dahil lang sa isang tao.
Siya lang nagpaiyak sakin ng ganito

Lumuha ako sa gabing sinabi mo ang katagang ito
Gabi-gabi akong lumuluha dahil sa sobrang sakit.
Lubos akong nagtiwala sayo pero akoy linoko mo.


Sa oras na naalala ko ang mga nangyari lumuluha ako.
Wala akong pakealam basta ilalabas ko lahat ng to
Iiyak ako hanggat mawala yung mga sakit na to.

Mahal mo siya pero masaya ka na ba talaga?
Masaya ka na ba talaga sa kanya?
Noong oras na nakita kita, masaya ako pero andun din ang lungkot


Ang sarap tignan kapag nakangiti ka
Pero ang sakit isipin na hindi na ikaw ang dahilan.
Ganun ba talaga kapag nakahanap ka ng iba?


Bigla bigla ka nalang mawawala na parang bula.
Sa mga oras na yun, gustong gusto kitang yakapin
Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay mo
Gustong gusto kitang kausapin
Pero natakot ako!

Natakot ako baka ipagtabuyan mo ko
Natakot ako kung ano ang magiging reaksyon mo.
Walang mga salitang nailabas mula saking bibig
Dahil natakot akong marinig yung mga sagot mo.


Pero, Tangina! Ang hirap. Ang hirap mong kalimutan.
Sabi ko sa sarili ko tama na. Pagod na kung umiyak pero hindi eh!?..

hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik siya
Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya.

Darating din yung panahon na makakalimutan kita
Pero yung sakit hinding hindi na mawala pa..


Akoy patawarin sapagkat akoy nagkasala
Akoy higit na nagpapasalamat sayong nagawa

Mahal na mahal kita
Sa puntong dimo na alam ang tamang salita
na naglalarawan sa naramramdaman mo


Siya lang yung taong andiyan kapag malungkot ka
Siya lang yung napagsasabihan mo ng sama ng loob mo
Siya lang yung taong laging andiyan para sayo
Sabi niya hindi niya ko Iiwan dahil di niya kaya.


Pero natapos ang lahat sa ANIM na letra-Tama na.
Natapos ang lahat sa SIYAM na letra-PAGOD NAKO.
MAHAL KITA PERO SOBRA NA
SOBRA NA akong nasasaktan
Mahal na mahal kita kaya pinapalaya na kita.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon