"PAGSISISI"

3.7K 18 0
                                    



Akala mo ganon lang kadaling kalimutan ka ?
Akala mo ganon lang kadaling layuan ka ?
Akala mo ganon lang kadaling palitan ka ?

Mahirap, Masakit,
Masakit na makita kang masaya habang ako nag luluksa dahil wala kana ,

Masakit kapag nakikita kang nalulungkot dahil sakin
Masakit kapag nakikita kitang may nag papasaya na sayong iba
Masakit na makita kang hawak na ng iba.

Yan ang mga kinakatakutan ko
Oo , alam kong malakas ako pero ikaw ang kahinaan ko at hndi ko alam kung bakit at paano nangyare yon?

Dati kayang kaya kong wala ka , pero bakit ganon ngayon ?
Hndi ko na kaya!
Parang gusto kong bumalik ka sakin sa isang iglap lang.
Mahirap mang ibalik pa , pero bakit ganon ?


Gusto kitang angkinin ulit ,
Gusto kong maging akin ka ulit ,
Gusto kong makasama ka ulit ,
Gusto ko ako ulit yung dahilan ng pag tawa mo ,

gusto ko ulit mahawakan ang mga kamay mo na hndi ko nahawakan noon ,
gusto ko ulit na ikaw lang ang nag papasaya sakin.
Pero natatakot ako !


Natatakot ako na baka ipag tabuyan mo na ko ,
Natatakot ako na baka hndi mo na ako pansinin ,
Natatakot ako na wala na talaga ako sa buhay mo ?

MAHAL ,
Bumalik ka na!
Namimiss ko na mga ngiti mo ,
mga tawa mo ,
mga matatamis na mensahe na parang kendi ,
mga tampuhan na nag mumukha tayong bata , yang kamay mo,
Lalong lalo na ikaw .

Miss na miss na kita!
Hndi man halata pero yon ang totoo.

Mahal wala ng hihigit pa sa kabaitan mo .
Ang tanga ko nga ,
Bakit binitiwan pa kita ?

Bakit hinayaan pa kitang mawala sakin ,
bakit hinayaan ko pang malayo ang loob mo sakin ,
bakit hinayaan kitang umiiyak nang dahil lang sakin?

PINAG SISISIHAN KO LAHAT NG GINAWA KO ,
PINAG SISISIHAN KO LAHAT NG KATANGAHAN NA GINAWA KO.


Kung pwede lang mahal ,
Kung pwede lang talaga na maging akin ka ulit.


matagal ko nang ginawa
Kaso huli na ang lahat
Mahal pasensya kana kung sumuko ako !

Pasensya kana kung napagod ako
Pasensya na kung nagsawa ako ""
Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahong wala ka !

Mahal napag tanto ko na hndi ko pala kaya nang wala ka ?
Hndi ko pala kaya ng nag iisa , Hndi ko pala kayang walang "IKAW" sa buhay ko?

Mahal masakit mang wala kana talaga , Pero kakayanin, Kakayanin dahil kasalanan ko to!
Kakayanin dahil ginusto ko to!
Kakayanin dahil sa katangahan ko!

Pero mahal sana'y wag mong kakalimutan ang mga payo na sinabi ko saiyo.

Mga payo na mag sisilbing alaala na lamang saiyo
Mga payo na mag papanatili ng kaligtasan saiyo!
Mga payo na dapat lagi mong sundin!

Pinagsisihan ko lahat.
Isang katangahan nanaman ang nagawa ko.
Kase kahinaan nanaman ang pinairal ko,
At pride ko nanaman ang pinang ingatan ko

Kaya ikaw'y aking binitiwan
Kaya ikaw'y aking sinikuan
Kaya ikaw'y aking hiniwalayan.
Sana mahal ko! Mapatawad moko sa naging kasalanan ko
HULI NA ANG LAHAT
PAALAM

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon