"MAHAL KO, MAHAL NYA, PERO NAGMAMAHAL NG IBA"

2.7K 6 0
                                    

Sige magsisimula ako sa "PAANO".
Paano ako nagago ng ganito?
Paano na ang lahat ay napunta sa ganito?
Paano na naisahan ako...
Ng hindi ko namamalayan?
PAANO?

Nakilala kita sa panahong ang puso ay nangungulila ng pagmamahal
Na inakala ko ay maibibigay mo.
Sa litrato na naiwan mo na kinuha ko nabuo ang pag-uusap.
Doon kita unang nasilayan.
"Hello, yung ID ko po nasayo daw?"
At dyan nagsimula ang lahat.



Naging magkaibigan tayo.
Saksi ang bawat sulok ng kwartong ito
Sa kung paano mo ako pinangiti, pinatawa, pinaluha sa bawat kwentong tugma
sa kanya-kanyang karanasan,
Pinasaya, pinakilig, pinaramdam na mahalaga ako...
Pinikot, pinaikot, inisahan, NILANDI.
PANGLALANDI...

PANGLALANDI pala ang gusto mo pero seryosohan ang gusto ko.
Tapos na ang yugto ng buhay ko sa pakikipaglaro kaya gusto ko na... Gusto ko na ang SERYOSO.
Pero bakit parang ang tadhana ay ginusto na ako ay magkaganito.


Gumawa ako ng kasunduan sa aking sarili...
Na dapat ay hindi na ako madadala
Sa mga salita na alam kong sasaksakin din ako.
Na dapat ay sasabayan ko ang trip na gusto mo
pero ang trip ay pinagtripan ako, MAGKASABWAT PA KAYO.
Na dapat ay hindi ako nadala pero hinila mo ako at nilunod sa mas malalang kalungkutan.


Isang kahangalan...
Katangahan...
Ang pumagitna sa inyong dalawa.
Pero parehas lang tayo.
Tandaan mo...
Ako na nagmamahal sa'yo,
Ikaw na nagmamahal sa kanya,
At siya na nagmamahal sa iba.
Ang saya diba?


Madaya talaga ang mundo,
madaya dahil pati ako na nagmamahal lang
ay ang kapalit ay pananakit.
Masakit pala ang masaktan.
Kahit ano pala ang gawin mong paghahanda...
Kahit ilang betadine, alcohol, o kahit anong gamot pa ang bilhin mo... Sa huli, kapag nasaktan ka, hihilain ka pa rin padausdos at isusubsob sa katotohanan... Kapag naaasar ka, talo ka.
Kapag nasaktan ka, iiyak ka.
Kapag nasaktan ka, tanga ka!
Kapag nasaktan ka, kawawa ka!
At kapag nasaktan ka pa! Sigurado ako! Matatangay ka!
Hanggang sa madala ka.
Sana madala ako.
Sa lahat ng pandadala mo,
Sana nadala na nga ako.

Kung pwede ko lang ibalik ang araw iyon.
Ang araw na nakita ko ang litrato mo...
Sana dinaya ko rin ang oras...
Sana hindi ko na lang pinag-interesan ang katauhan mo...

Sana hindi na lang kita kinilala.
Sana hindi... na lang tayo nagkakilala.
Pero hindi pa pala tayo magkakakilala.
Hindi pa. Hindi na.


Ngayon, kasabay ng kalungkutan, nag-iisa ako. Nag-iisa ulit ako. Naiisip ko... Kung may saysay ba itong ginagawa ko. Para sa gagong katulad mo? Dahil ang lahat ay pinagtatawanan ako.



Alam ko, hindi... ako... siya... na mahal mo.
Hinding hinding hindi ako magiging siya.
Dahil ang ako ay ako.
Salamat at hindi ako tuluyang tinangay ng trayanggulong ito. Trayanggulo nating tatlo.


Salamat sa lahat.
Magsisilbing munting ala-ala mula sa isang tulad mo.
Huwag kang mag-alala,
Magiging masaya pa rin ako.
Sampal sa akin ang katotohanang...
KAYO LANG AT WALANG TAYO.
KAYO LANG ANG NASA LITRATO,
KAYO LANG ANG NASA KWENTO,
AT WALANG TAYO.
WALANG NAGING TAYO.
WALA!

Kaya sana, makita kita sa oras na ang puso ay nagpatawad na.
Sana makita ulit kita
ng wala na ang kirot nadarama.
Sana makita lang kita mula unang tingin ko sa'yo...
Nung nakita ko ang litrato mo.
Sana makita lang kita ng ikaw lang.



Salamat... Paalam... Mag-iingat ka... Mali!
Mag-iingat na ako...
sa susunod na kagaya mo!
At mag-iingat din... ang sino mang magtatangkang mapadpad sa'yo.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon