"SAYO"

1.7K 2 1
                                    

Kasalanan ko ba
kung napagod akong mahalin ka?
Na akala mo nanjan ako lagi sa tabi mo
para suportahan ka?
Akala mo hindi ako napapagod?
Nung nalaman kong nagiging tanga na pala ako.



Mas tanga pa ako sa salitang tanga na nagawa ko sayo.
Tanga na nagantay sayo na mamahalin mo ng totoo.


Mahalin mo nga lang ako ng tama
hindi mo na kayang magawa?
Yung totoo pa kaya?
Di na ko aasa mahal.

Tama na!!
Di naman ata ako aso na kahit iiwan mo,
Alam mong babalik ako sayo.
Napapagod na ako sa tulad mong di kayang pagpahalaga ng aso este Tao.


Para sayo wala akong kwentang tao
at iba ang inuuna mo!
Diba sabi mo first priority mo ko?
Pero bakit ganun?
Oo naging priority mo ko
Nung una.

Bakit ba mahal?
Isa ba tayo sa mga magkasintahang matamis lang sa una?
O di kaya pampalipas oras mo lang ako
at ako lang talaga ang nagmamahal sayo.


Ilang ulit kong narinig sa bibig mo ang katagang "mahal kita"
pero bakit hindi mo kayang ipadama?
Sabihin mo lang kung ayaw mo na.
Handa naman kitang bitawan kase nga
"MAHAL KITA"


Sabihin mo? Kasalanan ko ba ?
kung bakit ako ganito ?
Kasalanan ko ba na pagod na ako
at hindi ko na kaya?


Hindi ko na maramdaman
ang puso ko simula nung araw na naging tayo.
Puso na nagsasabing mahal kita
pero ngayon wala na

Hindi ko kasalanan kung ayaw ko na sayo
Hindi ko kasalanan na bumibitaw na ako sayo
Hindi ko kasalanan na naging masyado akong naging totoo sayo
Ako na ang mismong bibitaw sa pagkakahawak ko
"SAYO"

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon