"OKEY LANG KWITS NA TAYO"

2.2K 4 0
                                        


Ako lang naman 'yong sandalan mo kapag may problema ka.
Ako lang naman 'yong nagpapasaya sayo noong halos mawalan ka na ng pag-asa.
Ako lang naman 'yong dumamay sayo noong araw na lumuluha ka.
At ako lang naman 'yong taong laging nandiyan noong iniwan ka niya.


Pero tama na,
hindi na tama 'to.
Nahulog na yata ako sayo.
Sa bawat salitang binibitawan mo.
Sa tuwing ikaw ang kausap ko.
Bumibilis tibok ng puso ko.
Nakalimutan ko magkaibigan nga lang pala tayo.
Oopps! Magkaibigan lang pala, walang tayo.



Dahil may iba kang gusto,
at pampalipas oras mo lang ako.
Pero okay lang,


Dahil nagising na ako sa katotohanang
mayroong ikaw at ako ngunit walang tayo.
At mayroong ikaw at siya ngunit walang kayo.
Kaya OKAY LANG, KWITS LANG TAYO.
Ay! Teka sandali kwits lang pala dahil kahit kelan hindi magkakaroon ng salitang "TAYO".


SPOKEN POETRY - TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon