"MAHAL"

2.1K 6 0
                                    

Sa bawat taon at araw na lumipas,
At sa bawat litrato mo na kumupas.
Sa ngayon hindi ko na maaaring maibalik pa,
Ang mga araw na sa'ting dalawa na lumipas na.



Lumipas na,....


Sa madaling salita nasayang ,
Oo at ako ay nanghinayang,
Hindi sa mga ginawa ko.
Kung di sa pagkawala mo.



Marami pa akong gusto itanong sa iyo,
Ano ba pagkakamali ko bakit ganito?
Bakit ganito resulta ng pagtitiis ko?
Lahat ba  ito ay maaring kasalanan ko?



"Mahal" sa huling pagkakataon,
"Mahal" sa huling pagkaka-TAON,
Pabayaan mo'ko na tawagin ka sa salitang "mahal"
Pabayaan mo'ko dahil d'yan ay  nagsimula "mahal"



Hayaan mo ang karagatan na ating pagitan ay umalon .
Hayaan mo ang karagatan na ating pagitan ay humampas.



Pabayaan mo!! "mahal"!
Sapagkat lahat!! "mahal"
Lahat ng ala-ala,
Lahat ng iyong sulat
Lahat ng "mahal kita"
Kakalimutan ko na.



"Mahal"
Sa salitang tayo'y nagsimula
"Mahal"
Sa salitang tayo'y nagtapos

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon