"KAHIT WALANG TAYO"

3.5K 10 0
                                    

Tanda mo pa ba nung dati? 
Yung dating masaya kahit may pinagdadaan tayo?


Yung dating ako lang sapat na sayo ?
Yung dating mahal mo pa ako kahit walang tayo?


Nakakamiss no?
ba't pa ba ako nagtatanong?
Eh alam ko na naman ang sagot.


 
Ang sagot na lubos akong nasasaktan,
Ang sagot na ayaw tanggapin ng puso't isipan ko,
Pero kailangan kasi hindi naman ako bato.




Bato na kahit durugin mo walang pakialam,
Tao ako madaling masaktan,
Nakakaramdam ng pagkabigo ng yong linisan.

Pero mahal nagaantay ako, 
Ay mali magaantay ako.
Yes mahal magaantay ako sayong pagbabalik.


Panghahawakan ko ang mga sinabi mong "kaibigan muna tayo ngayon at akin ka sa tamang panahon" Di ko makalimutan yun .



Tinaga ko pa yun sa bato
Para pagnakalimutan mo? ipapaalala ko sayo.
Ipapaalala ko sayo ang iyong binitawang pangako .
Ang mga pangakong patuloy kong panghahawakan pagdating ng tamang panahon.


Alam mo mahal natatagalan nako sa tamang panahon, 
May panahon pa naman diba? Tayo nalang ang gumawa ng tama,
Para tama na ang panahon
Kasi sa totoo lang miss na miss na kita 
Oo mahal, miss na miss Nakita.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon