"PAULIT - ULIT"

1.5K 4 0
                                    

Sana ako nalang ulit

Mahal,
sana ako nalang ulit.


Sana kahit nakakasawa at paulit- ulit?
sana ako nalang ulit.

Sana kahit hindi mo na ako mahal,
mahalin mo pa din ako ulit.

Kasi ako,
umaasa pa rin ako sa pag-asang pwedeng tayo pa ulit.

Paulit-ulit ang salitang 'ulit' sapagkat ganito ko kagustong bumalik ka.


Kahit na mas malaki ang posibilidad na wala na talaga?
pero nagbabakasakali pa rin ako na baka mabalik
Mabalik ang tamis at pait na gugustuhin kong maulit.



Pero mahal, huli na ito
Sapagkat hahakbang na ako sa susunod na pagliko
At sa pagliko kong ito,
Wag kang mag-alala, uulit ako at iikot lang para sayo.

SPOKEN POETRY - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon