Chapter 35Xyra p.o.v
"Nak gising na malate ka field trip niyo ngayun" napamulat ako. Si mama pala gumising sa akin. Bumangun ako.
"Morning ma" bati ko kay Mama. Agad ako bumaba sa kama para pumunta sa banyo.
"Morning din nak, teka bakit namaga mata mo umiyak ka ba?" Napansin ata ni mama.
Umiling ako. "Masarap kasi tulog ko ma" sagot ko sa kanya.
"Siya nga pala anung oras ka umuwi kagabi"? Anung oras nga ba yun. " mga 11 or 12 na ma" sagut ko saka dumiretso ako sa banyo.
Ng makapasok ako sa banyo kumatok pa si mama "bilisan mo diyan baka maiwan ka ng bus niyo" naligo nalang ako diretso.
Pagkatapos ko ginawa routine ko lumabas na ako sa banyo para magbihis. Ng matapos ko na lahat lumabas na ako. Sa kwarto.
Pagbaba ko nakita ko si mama "ma alis na ako" paalam ko sa kanya.
"Teka lang nak ito oh baon mo baka magutom ka sa byahe at Jacket niyong dalawa ng asawa mo" kinuha ko na diretso. Ang binigay ni mama saka umalis na ako.
Pumara ako ng taxi pagkalabas ko sa subd. Papunta sa school. Mabuti ginising ako ni mama.
Pagkarating ko dali dali akong pumasok sa school.. wala pang bus buti naman naabutan ko pa sila. Naglakad ako sa hallway papuntang classroom ng makasalubong ko siya. Ok Xyra ignore lang isipin mo hindi mo siya nakita. Kaya diretso diretso tingin ko.
Dali dali ako pumasok sa classroom ayaw ko magkasalubong kami kahit naka earphone pa ako.
"Bess mabuti dumating kana" lumapit sa akin si Chloe.
"Bakit naman may balita ka nasagap"? Tanung ko sa kanya sabay upo.
" hmmn wala naman " sagut niya.
"Okay lahat kayo pila na aalis na tayo" sabi ng pres. Ng classroom namin.
"Yes excited na ako bess " si chloe na hindi makapaghintay.
Nagpila kami ngayun papunta sa bus ng hindi ko alam anung nararamdaman ko basta ang naintindihan ko lang bigla akong kinabahan. At ng mapansin ko ang perfume niya.
Tatakbo sana ako para makaiwas sa kanya pero huli na dahil nahawakan niya dalawang balikat ko.
"Bitiwan mo nga ang balikat ko nasasaktan ako sa paghawak mo" reklamo ko sa kanya.
Tinanggal naman niya ang kamay niya. Ng matanggal umalis ako sa pwesto ko pumunta ako sa unahan. Nakisingit.
"Hoy Xyra di ba duon ka sa isang pila bakit ka andito?" Reklamo ng classmate ko.
"Gusto mo tanggalin kita sa listahan para hindi makasama"? Tanung ko sa kanya. Makisingit lang naman ako dito.
Ng maka alis na kami sa school. Natulog muna ako sa bus dahil alam ko malayo pa ang byahe. Ng nag stop kami pag gising ko pagtingin ko sa tabi ko. "Bakit ka andito?asan si Mika"? Tanung ko sa kanya.
Habang nakatitig ako sa kanya paulit ulit din bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya kagabi..
Wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa destination namin. Nauna na akong bumaba ng nakita ko sino bumaba sa kotse.
"Hi Xyra " si Tristan. "Hello Tris, " response ko sa kanyang bati.
"Kala ko hindi ka sasama dito?" Tanung ko sa kanya.
"Hindi pwede na hindi ako kasama dahil andiyan ka kaya sumama na rin ako. " sabi niya.
"Hello ma'am sir welcome po sa Tree- napalingun ako sa nagsalita familiar kasi ang boses niya ng makita ko kung sino nagwelcome sa amin.
"Carlo's"?
"Xyra"?
Agad ko siyang nilapitan namimiss ko siya!.
Agad kami nagyakapan... ng kumalas ako sa kanya binatukan ko siya. "Hoy grabe ka naman bakit moko binatukan?ngayun lang ulit tayo nagkita batukan mo ako agad?" Sabay himas sa ulo niya.
"Syempre no dahil hindi ka nagparamdam sa akin"! Reklamo ko na naka pout out.
"Nako mianhe gaga, pero mamaya na tayo mag usap" tinuloy niya ang pagwelcome sa amin.
Tinitigan ko siya. Iba na siya ngayun kesa dati. Kung dati hindi siya marunong magdala ng damit ngayun fashion na te'.
"Sino yun"? Napalingun ako sa bigla nagsalita sa likod ko.
Iniwan ko siya.. tanung ka sa hangin hindi kita kauusaoin ito ang mas mabuti sa ating dalawa.
Bigla niya hinawakan kamay ko. "Yes may sabihin ka?" Tanung ko sa kanya taas kilay,.
"Sino yun"? Ulit niyang sagut. "Hmmmn excuse me mr. Magkakilala ba tayo para sagutin kita sa tanung mo?" Sagut ko sa kanya. Binitiwan niya kamay ko.
"Hi Xy bc ka ? Pwede mo ba akong samahan"? Napalingun ako si Tristan.
Nilaliran ko si Tristan. "Xure Tris " saka umalis kami at humawak ako sa kamay ni Tristan.
Alam ko nakita niya yun ginawa ko. Ito lang magawa ko para hindi siya makalapit sa akin.
"Are you okay" ? Nilingun ko siya at tumango bilang sagot ko.
"Sino yun kanina parang magkakilala talaga kayo"? Tanung ni Tristan.
"Ah si Carlo's yun kababata ko yun" sagut ko sa kanya.
"Bess " twag sa akin nila Mika.
"Sige maiwan muna kita dito Xy" paalam ni Tristan tunango ako.
"Bakit tanung ko"? Hindi ka ba naawa sa kanya"?
Tanung ni Chloe sabay turo sa nguso niya. "Bakit naman ako maawa sa kanya?" Kilala ko ba siya?" Tanung ko sa kanila.
"Tingnan mo nga bess oh sayo lang siya nakatingin" sagut ni Chloe.
"Chloe wag kang maniwala sa ganyan ok" sabay irap iniwan k na ang dalawa pumunta ako sa unahan gusto ko mapag isa.
Napaisip ako sa panaginip ko bakit ganun kaya. Bigla may umupo sa tabi ko.
Kahit hindi ako tumingin alam ko siya ang sumunod sa akin dito. Hinintay ko siya magsalita pero wala akong narinig sa kanya. Panay tapon niya ng mga bato sa tubig.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married to Campus Heartrob ( COMPLETED )
Fanfiction[ Teen Fiction & Fan Fiction ] The more you hate , The more you love. Yan ang madalas sabihin ng ibang tao paghindi sila nagkasundo. Ngunit paano kung ipapakasal sila? Magkasundo kaya sila o lalo lang magulo ang magiging sitwasyon nila. ? I'm Xyr...