Chapter 34Xyra P.o.v
Nakakainis na tao bwisit sira araw ko sa kanya. Urgh!!
"Nak" napalingun ako sa biglang nagsalita si mama pala. "Ma asan ka galing"? Tanung ko sa kanya nasa labas siya kararating lang.
"Doon lang sa unahan. Teka ang asawa mo hindi mo ba kasama umuwi ngayun"? Nauna na ako pumasok sumunod si mama. Andito naman tanung niya.
"Sinong asawa ba tinutukoy mo ma"? Nakakunot noo ako nagtanung sa kanya sabay kuha ng baso at kumuha ng tubig sa ref.
"Sino pa ba sa palagay mo nak maliban kay Jade? Meron ka pa bang ibang asawa? Tanung ni mama habang nilalagay sa lababo dala niya.
"Ma nakalimutan mo si Myungsoo pala" sagut ko sa habang umiinom ng tubig.
"Ikaw talaga na bata ka hindi mo talaga yan makalimutan" sabay kirot sa paa ko.
"Bakit ko naman siya kalimutan ma siya kaya inspirasyon ko sa pag aaral kayong dalawa" dagdag ko pa. Patay may pasa naman ito bukas.
"Nak seryoso tanung ko sayo asan ang asawa mo mag dalawang linggo na siya hindi umuuwi dito?" Hinarap ako ni mama.
"Ma, sa sementeryo pa daw siya uuwi muna" saka tinalikuran ko na umakyat ako sa taas.
"Teka nak anu sabi mo sementeryo?patay na asawa mo?" Nanlaki mata ni mama sa sinabi ko haha.
Hinarap ko si mama "oho ma kasi para sa akin patay na siya " sabay talikod paakyat sa taas ..
Ayaw ko na nga siya banggitin pagkatapos dito sa bahay ... urgh!!
Mabuti pa maligo.. kinuha ko na ang towel ko nakasabit sa likod ng pinto saka pumunta sa banyo para maligo.
Pinikit ko ang mata ko habang binabad ko sa tubig katawan ko. "Do i know you" do i know you!" Dammnn shit ka Jade bakit ba paulit ulit ulit yan sa akin nakakainis.
Pagkatapos ko naligo nagbihis ako pupunta ako sa work hindi pwede dito ako palagi baka mabaliw ako wala sa oras nito. Ang dahilan walang kwentang tao.
Pagkababa ko nagpaalam na ako kay mama "dito ka ba maghapunan?" Tanung niya humarap muna ako. "Hindi na siguro ma. Bye" pinara ko ang tricycle palabas sa subd.
Pagkarating ko sa coffee shop madaming customer. Mabuti ito para hindi ko maiisip siya. Minu minuto ginawa ko lahat ng trabaho pati sa iba inako ko ayaw ko sumagi sa isip ko mukha niya.
"Gurl ok ka lang"? Break time namin.
Tiningnan ko sila "yep ok lang ako bakit"? Tanung ko.
"Nanibago kami sayo hindi ka kasi ganyan dati"
Napalingun kaming lahat pagbukas sa glassdoor. Nanadya ata ang panahon ah. At dahil nasa counter ako.
"Excuse me isang coffee capucino please" sabi ng malandi. Nanlaki ang mata sa gago pagkakita sa akin.
At dahil nag act ako as hindi siya kilala tinuloy ko na. Ng magtanung siya. " what are you doing here?" Tanung niya. Tahimik lang ako patuloy sa ginawa ko.
"Dito ka nagtatrabaho?" Tanung niya ulit. Ignore ko lang. Habang ang mata ko nasa ahas.
Siniko ako ng kasama ko "tinanung ka niya?" Ulit ng kasama ko.
"So magkakilala pala kayo"? Tanung ulit ng kasama ko. "No hindi kami magkakilala baka namukhaan niya ako sa mga kaybigan niya pero hindi ko siya kilala" sagut ko sa kasamahan ko dahilan para manlaki mata sa gago.
Ng mabigay na sa kanila ang kape. "Ewwwww anung lasa ng kape niyo bakit ganito ang timpla? Hoy ikaw miss hindi ka ba marunong magtimpla ng kape ha?" Sigaw niya.
"Ang flavor kasi ng kape na yan ma'am isang kutsarang tuyo, isang kutsarang ihi kalabaw at syempre isang flavor ahas ma'am masarap ba?" Tanung ko sa kanya. Alam ko pinagtinginan kami pero wala akong paki para malaman niya hindi ako nagpapatalo sa kanya.
Ng matapos ang away na yun. Dinala ako ni sir Raffy sa office. "Sorry sir " hingi ko ng paumahin sa kanya. Maya maya lumabas na ako sa office. Nagvibrate phone ko kinuha ko tiningnan sino nagtext.
"Pack your things lilipat na tayo" sino kaya itong nagtext no lang nakalagay. Reply : sorry sir wrong send po kayo. Nioff ko na ang phone ko.
Ng matapos na ang duty ko dumaan muna sa park. Wala gusto ko lang magpahangin masarap kasi ang hangin.
Tsaka kunti nalang ang tao dito. Umupo ako sa bench nanunod sa mga nagpractice ng sayaw. Napaisip tuloy ako bakit ko nagawa ang ganun na bagay sa umpisa alam ko wala akong laban. Childhood sweetheart sila kami dahil sa parents niya. Siguro pabayaan ko nalang sila.
May umupo sa gilid ko ng mapansin ko familiar sa akin ang perfume bigla nalang ako tumayo at tumakbo. Hindi ko siya kaya harapin dahil alam ko kung anung sasabihin niya sa akin. Hangga't kaya ko.
Kaya lang huli na nahabul niya ako kasi naabutan niya ako. Bigla niya hinila ang braso ko .. "tara uwi na tayo" sabi niya. Hindi ako gumalaw sa kintatayuan ko.
"Anu ba Xyra uwi na tayo" sabi niya ng maalala ko kung kaninong kamay siya nakahawak kanina.
"No tsaka pwede ba bitiwan mo kamay ko masakit na" binitiwan niya.
"I'm sorry" hingi niya ng sorry
Ng bigla niya akong hinila at niyakap.
"Jade anu ba bitiwan moko! Hindi ako makahinga! " reklamo ko sa kanya. Ang higpit ng yakap niya.
"Hatid na kita pauwi gabi na" sabi niya.
"No wag na kaya ko ng umuwi mag isa baka hinanap kana" iniwan ko na siya nakatayo.
"Sorry" sabi niya kya huminto ako.
"Sorry for what"? Tanung ko sa kanya.
"Dahil nasaktan kita" hindi ako tumingin sa kanya. " yan lang ba sabihin mo" ? Tanung ko sa kanya.
"Please layuan mo si Tristan" pakiusap niya.
"Kung sabihin ko layuan mo si Trixie? Layuan mo ba siya?" Tanung ko sa kanya dahilan para tahimik siya.
"Sorry pero hindi ko magawa gusto mo" sabi niya.
"Kung ganun alam mo na sagot ko di ba?" Tanung ko sa kanya.
"Alam ko na lahat Jade. Mahirap kasi makipagkompetinsya sa taong first love mo." Iniwan ko na siya nakatayo duon..
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married to Campus Heartrob ( COMPLETED )
Fanfiction[ Teen Fiction & Fan Fiction ] The more you hate , The more you love. Yan ang madalas sabihin ng ibang tao paghindi sila nagkasundo. Ngunit paano kung ipapakasal sila? Magkasundo kaya sila o lalo lang magulo ang magiging sitwasyon nila. ? I'm Xyr...