Chapter 5

8.8K 236 1
                                    

AIRA

I stood froze in the doorway. Nakaharang ako dito habang nanatiling nasa likod ko si Adrian na nakahawak pa rin ngayon sa pinto. Nagising lamang ako sa pagtikhim ng lalaking nahaharangan ko sa likod. Tuluyan na akong pumasok at napakurap kurap pa baka lang kasi namamalikmata ako kahit alam kong hindi naman talaga.

Naupo ako sa upuang nasa tapat ng kaniyang office table nang may nagtatanong na tingin. I was beyond perplexed. I don't understand what is happening anymore. I feel like my mind is in a chaotic state. The last time I checked she's working in a company and not in school as a headmistress. 

She cleared her throat before crossing her fingers. She seemed confused herself. Tila hindi niya alam kung paanong sisimulan ang kaniyang sasabihin. 

"Ma, I need an explanation right now. Please." I begged. I'm going crazy if another minute passes by without my questions being answered. 

"I'm sorry if kept this a secret from you for the whole time. I have to keep you away from home to keep you from danger. Pero mukhang hindi na rin ligtas ang lugar na pinagtataguan ko sayo. " mahabang saad nito ngunit hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin kung ano ang tinutukoy niya. What does she mean by she needed to keep me away from home? 

"I don't understand. What home? What were your running from? For all my life we've been living on the house we have. Ipaintindi niyo naman sakin ng maayos." kapansin pansin ang bahagyang pagtaas ng aking boses. Maybe because of too much frustration and confusion. Their statements seemed like they were leaving blank spots so I couldn't read the whole sentence right. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko at ang magulo kong isip.

"Marahil ay hindi mo na naalala. But when you were three years old I have to take you to the mortal world. You may not believe it but yes. There's another world that exists aside from the world you first set your eyes upon and that world is enchantra."  I bit my lip clenched my fists putting all my frustration in them. I thought being adopted was already the biggest plot twist in my life but it wasn't.

Nang malaman kong ampon lang ako noong sampung taong gulang pa lang ako ay halos mabaliw baliw ako sa kaiisip. It took years for me to gradually accept it and appreciate everything she's been doing for me.

"I think explaining everything right now would only make it more difficult for you to understand. You're mind is too clouded with your emotions. You have to calm yourself first. Ngayon mas mabuti sigurong magpahinga ka na muna. Dito ka na rin mag-aaral." 

I didn't utter a word to answer her or to express my thoughts pero wala pa rin talagang malinaw para sakin. Hindi pa tuluyang tinatanggap ng utak ko ang kaniyang mga salita.

"Don't worry I'll take you to your home in Auris para makilala mo ang tunay mong pamilya." ang kaniyang sinabi ang siyang nakapagpagising sa akin. I have my family here? 

"Rhyan, pakihatid na sya sa dorm." biglang utos ni Mama kaya lumapit siya sakin at tsaka ako hinila palabas ng office. Napakunot noo naman ako dahil iba ang pangalang sinabi nito. Kailan pa naging Rhyan ang pangalan niya. I thought his name was Adrian? But instead of asking I kept my mouth shut. Hindi na importante kung anong pangalan niya ngayon dahil mas marami pa akong kailangang problemahin. 

Naglakad kami sa hallway. At isa lang ang masasabi ko madaming pasikot sikot at ni isa wala man lang akong natandaan sa mga dinaanan namin. Ang lawak pala nitong school.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto na kahilera ng madami pang pinto sa isang hallway sa ikalawang palapag ng building na pinasukan namin at tsaka lang siya bumitaw sa pagkakahawak sakin.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon