AIRA
Ngayong gabi gaganapin ang Night of Fantaisie Ball. Abala ang lahat sa pag-aayos para sa pagahhaanda sa gaganapin sa bulwagan. Maybe this night could be my little escape from all the problems bothering me. I would just ignore them for tonight.
Kasalukuyan kaming nakaharap sa vanity mirror sa loob ng kwarto ko. Inaayos ko ang buhok ni Au habang si Maia naman ang nagamamake-up. Suot ni Au ang kanyang layered pink and gray tulle dress. Nakabraid paikot naman ang buhok niya at tsaka ko linagyan ng white gems sa gilid.
"Excited na ko!"nakangiting sabi ni Au. Tinapik naman siya ni Maia dahil masyado siyang naglilikot kaya hindi maayos ang pagkalagay ng eyeliner nito.
"Wag ka ngang malikot. Inaayusan ka pa eh." sabi nito at pilit na pinapatuwid ng ayos si Au.
"Tsk. Oo na." nakapout na sabi niya. Siya na lang ang inaayusan dahil tapos na kaming dalawa ni Maia. Kami kami lang din ang nag-ayos sa mga sarili namin dahil hindi naman to isang pormal selebrasyong konektado sa kaharian kaya hindi kinailangang papuntahin ang mga naninilbihan sa palasyo.
Maia is wearing a bare back wine red sheath gown with lace details with neckline lying low in v shape. Her hair was fixed in a wet look hairstyle. Mine was a black spaghetti strap corset ball gown with a black ribbon detail and lace motifs.
"Done!" pumapalakpak pang sabi ni Maia nang matapos ayusan si Au. Agad na kaming naghanda para umalis dahil naririnig na namin ang musika mula sa bulwagan.
"Let's go. Baka malate pa tayo sa ball." pag-aaya ko sa kanila at tsaka nauna nang lumabas.
Sumunod na rin sila sa akin. Linock namin ang dorm bago naglakad sa hallway.
May ilang mga estudyante ang kasabay namin na nakasuot ng magagarang gowns at dresses. Binabati kami ng ilang kaya nginingitian naman namin sila pabalik.
Maya-maya pa sinalubong kami ni Gray na nakaabang napala sa labas ng girl's dormitory
"Good evening ladies." saad nito habang nakangiti at bahagya pang nagbow.
"Would you mind if I take my date with me." saad nito habang nakatingin kay Au, kitang kita ko naman ang pamumula nito kaya agad ko itong tinaasan ng kilay. May nangyayari na palang ganito hindi ko alam.
"Sure." sabay naming saad ni Maia at tsaka nginisian si Au.
"Let's go my princess." saad nito at tsaka hinalikan ang kamay ni Au bago ito hapitin sa bewang at tsaka naglakad na palayo yung dalawa.
Naiwan kaming dalawa kaya natatawa na lang kaming nagpatuloy na kami sa paglalakad at tsaka naman may humatak kay Maia at binigyan ito ng rosas. Tiningnan niya naman ito ng masama at tsaka tinapik ang kamay na nakahawak sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw nito kay Zayn. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang maiiwan pa ko ng mag-isa. Bakit ako lang yata yung napag-iiwanan sa aming tatlo?
"Aira, do you mind?" tanong nito sa akin pero nakatingin parin kay Maia.
"Sure you can go." sagot ko naman at tsaka ko pinagtulakan si Maia. Mas lalo pang nangunot ang noo nito pero hinatak na siya nito paalis.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at tsaka dinama ang malamig na simoy ng hangin. Damang dama ko tuloy na mag-isa ako kaya binilisan ko na lang ang lakad ko.
Naglakad ako hanggang sa makapasok na ako sa loob ng events center. Punong puno ng tao ang events center ng school, dinesenyuhan iyon ng mga tela at magagarang ilaw at palamuti gaya ng mga bulaklak. Gold ang motif ng venue kaya karamihan ay kulay gold.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasy[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...