AIRA
The morning in the forest is chilly. I grabbed my cardigan and hugged myself tightly. I shivered slightly when the wind blew. You can barely see anything because of the thick fog. The chirping of the birds is the only sound among the youth of the day.
"Coffee?" Au handed me a paper cup with coffee. I smiled at her before unfolding my arms to grab the coffee. The heat from the cup immediately warmed my cold hands. I mouthed her thanks.
We sat on the long huge log of wood in front of the ashes and the leftovers of the campfire from last night. I took a sip a from my coffee while looking straight.
"Were you awake overnight?" tanong ko dahil mukhang kanina pa ito gising. Her hair is already tied up in a bun while mine is looking like a bird's nest. Posibleng kasama siya sa nagbantay buong magdamag.
"Nope. Maaga lang akong nagising." sagot nito kaya napatango-tango na lamang ako. I guess it was among Arcana or Scholomance's elites.
I saw someone walking towards us carrying boxes. I drank my coffee all at once before throwing the cup to the trash bin.
Kumaway ito sa amin sa kabila nang hawak nito kung kaya't muntik pa nitong mabitawan ang mga iyon. Nagkatinginan naman kami ni Au bago bahagyang natawa. Tumayo kami mula sa pagkakaupo at saka lumapit patungo kay Maia. Kinuha ko ang isa sa dala nitong kahon.
"Bakit ikaw ang nagbubuhat niyan? Asan yung mga tukmol?" tanong ni Au at saka nakisilip pa sa kung anong laman ng kahon sa halip na tumulong ito.
"Shh. Ano ba! Ang gulo mo." kunot noong saway dito ni Maia. Natawa na lamang ako at saka nagpaumunang pumunta sa lamesa at nilapag doon ang kahon bago muling lumapit kay Maia para kunin ang isa pang kahon mula dito.
Maia sighed before massaging her arms and tried twisting it. It must've hurt carrying all the stuffs all the way here alone.
"Para saan ba to?" tanong ko at nilapag ang dalang karton. Sinubukan ko pang halughugin ang huling karton dahil iyon lang ang nakabukas at nakita ang laman nitong mga nakaselyo pang mga scroll.
"Para yan sa activity mamaya. We need to do the setup. Gisingin niyo na yung iba, kailangan natin tong matapos bago pa magising ang ibang campers." saad nito kaya naman nagkatinginan kami ni Au at saka nagtanguan.
Tinungo namin kung nasaan ang tent at halos matawa pa kami sa posisyon nila. Nagmukha silang sardinas at halos salungat pa ang posisyon nila. Ngunit tuluyan na kaming natawa nang nakitang nasa pagitan ng hita ni Zayn ang mukha ni Gray.
Humagalpak kami ng tawa ng gumalaw ito at mas siniksik ang sarili dahil sa narinig na ingay. Dahil doon ay tuluyang nagising ang iba at agad nagkamot habang nakalukot ang kani-kanilang mukha. Narinig pa namin ang iritadong mga ungol nito ngunit hindi namin iyon pinansin.
"Wtf bro!" Bumunghalit kami ng tawa ng halos ibalibag ni Gray si Zayn at saka iritadong tumayo habang ihinihilamos ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.
"Ano ba! Aray!" reklamo nang katabi nitong si Rhyan na siyang tinamaan ng binti ni Zayn. Inis na nagsitayuan ang mga ito habang sabog pa ang kani-kanilang buhok at may bakas pa ng kahapon ang mga mukha. Halos nakapikit pa ang mga ito habang nakatayo
"Wake up. May kailangan tayong gawin. Pupunta lang kami sa kabilang tent." Hinila ko na si Au kahit pa pareho kaming maluha-luha dahil sa pagtawa. Kung ikukumpara sa kabila ay tahimik lamang na nakahiga ang dalawang babaeng natira sa loob. Dalawang espasyo pa ang pagitan nang mga ito.
Ilang sundot lang at tawag sa mga ito ay agad na itong nagising. They both got up while trying to stretch out their arms and massaging their necks. It's hard sleeping with just a thin piece of mattress in between you and the ground.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasy[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...