Chapter 25

3.7K 101 2
                                    

AIRA

Days have passed simula ng matapos yung camp at ramdam pa rin ng lahat ang pagod mula sa camp lalong lalo na ng royalties. Binigyan kami ng dalawang araw na pahinga bago magresume and formal classes. 

Napag-usapan nilang dito kakain sa dorm kaya ngayon nagkukumpulan na kami sa maliit naming lamesa. 

Halatang kakagising lang nila dahil nakapajamas pa sila at gulong gulo ang buhok ang iba humihikab pa. Talagang hindi man lang sila nag-ayos. Ganyan sila kakomportableng pumunta dito nawawala yata lahat ng hiya sa katawan nila.

"Pwede na bang kumain?" tanong ni Gray dahilan para magtinginan ang lahat sa kanya.

Nagsitanguan naman ang iba at halata mong lutang pa sila dahil sa blanko nilang mukha. Halos tahimik lang ang lahat habang kumakain dahil nakatutok ang lahat sa pagkain. Gusto kong matawa dahil sa itsura namin pero pinigilan ko ang sarili ko. 

Nabasag lang ang katahimikan ng biglang kumalabog ang pinto mula sa sala.

"Hoy Aira!!" sigaw ng isang lalaki mula sa sala at ang lalaking yun ay walang iba kung hindi si Mr. Jerk. Wala nang iba. Siya lang naman ang walanghiyang hindi marunong kumatok.

Nakarinig pa kami ng sunod-sunod na yabag ng paa lahat kami ay nakaabang hanggang sa makita na nga namin siya at mukhang maging siya ay natigilan ng makita ang lahat.

"Anong problema mo? Makasigaw." sabi ni Maia na mukhang nabadtrip din sa biglaang pagpasok ni Rhyan sa dorm.

"Andito pala kayong lahat." banggit nito kaya naman pinanliitan ko siya ng mata.

"Alam ko namang namimiss mo si Aira at excited kang makita siya pero wag mong sirain yung pinto namin." biglang sabi ni Au kaya naman inis akong bumaling ng tingin sa kanya. Ano namang trip nito. 

"Hoy, anong tinitingnan mo dyan ha? Naiingit ka no? Gusto mo tayo rin?" pang aasar naman ni Zayn kay Maia at umakbay pa dito. Nakita ko naman agad ang pamumula nito hindi ko alam kung dahil sa galit o kilig pero sa tingin ko dahil sa huli.

"Tumahimik ka nga kung ayaw mong matusta." pambabanta naman ni Maia sa kanya. Kaya natigilan siya at unti unting tinanggal ang braso nya sa pagkakaakbay. Lihim na lang akong napangisi. Itong kaibigan ko masyadong pakipot halata namang kinikilig.

At dahil tapos na rin naman kami ay isa-isa na nilang inayos yung pinagkainan samantalang lumapit naman sakin si Rhyan.

"Problema mo?" tanong ko dito dahil mukhang inis pa rin siya.

"Kailangan mo magtraining." sabi nito kaya agad na lumukot ang mukha ko.

Training? Eh halos mabugbog na nga yung katawan ko dahil sa camp at sa misyon tapos may training pa.

"What?" tanong ko na may bahid ng inis. Plano ba talaga nila kong patayin sa pagod?

"Look madami ka pang kailangan matutunan kaya kailangan mo talagang nito." serysosong sabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako. 

Bago pa lang ako sa mundong ito at totoong madami pa akong hindi alam.

"Fine." napipilitang sabi ko. Napatingin naman ako sa kasama namin sa dorm at mukhang plano nilang tumambay dito maghapon dahil nakapwesto na sila sa sala habang naglalaro ang iba naglalaro pa ng kapangyarihan. 

Nanlaki pa ang mata ko ng muntik nang mahulog yung vase sa mesa pero naagapan iyon ni Gray at pinalutang pabalik sa kinalalagyan nun.

Dumiretso na ko sa kwarto para magpalit ng komportableng damit at saka lumabas mukhang sinabi na rin ni Rhyan kung anong gagawin namin kaya hindi na nila ko tinanong nang makitang aalis ako.

"Enjoy sa date niyo!" pahabol na bati ni Zayn nang palabas na kami kaya agad na napakunot ang noo ko.

Date?

Hinila naman ako ni Rhyan palabas at ngumisi pa muna bago sinara ang pinto.

"You jerk! Anong date?" inis na sabi ko sa kanya pero nahawakan niya na ko sa braso at sa isang iglap ay nasa ibang lugar na kami. 

"Hindi nila pwedeng malaman na magtra-training ka." depensa nito at nagsisimula nang maglakad palayo sa akin.

"At bakit naman hindi?! And date?! Wala ka bang ibang maisip na excuse?!" inis na sabi ko at saka pilit siyang hinahabol. 

Kitang-kita ko ang paglabas ng kakaibang itim na usok sa katawan ko. 

"Dahil malamang sasama sila at hindi pwede yon." sabi nito habang pilit na tumatakbo para umiwas sakin.

Nasa isang malawak na patag kami at walang kahit na patag kami na napapagitnaan ng mga puno.

"Bwisit." inis na sabi ko at saka inis na sinummon ang espada at pilit pa rin siyang hinabol.

Natigilan naman ako ng bigla siyang sumulpot sa harap ko at saka hinarang ang espada gamit ang isang maliit na dagger at saka iwinasiwas iyon papunta sa kaliwa dahilan upang mabitawan ko ang espada.

"Enough with the games. Kaya tayo nandito para magtraining ayon sa utos ng goddess." sagot niya at isinuksok ang dala niyang dagger. 

Napakunot naman ang noo ko. Sinong goddess?

Minsan talaga napapaisip na lang ako kung maliban sa pagiging jerk at abnormal, engkanto ba siya? Alam kong hindi normal ang mga tao dito pero sa lahat siya ang pinakaabnormal.  Siya din ang nagbigay nung libro at maging ang nagdala sakin dito, tapos ngayon nakakuha din siya ng utos mula sa isang goddess.

Napaayos naman ako ng tayo dahil sa biglaan niyang pagsesryoso pero sa isip ko nakailang irap na ko. Marunong pala siyang magserysoso?

"Alam mo kung ano ang kapangyarihan mo?" biglang tanong niya kaya naman napabusangot ako. Akala ko ba training? Bakit parang nasa pagsusulit yata ako?

"Uhh Darkness?" takang sagot ko. Bakit ba ganyan yung tanong niya? Hindi niya ba alam kung anong kapangyarihan ko?

"And what is darkness?" dagdag niya pa kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Bat may follow up question pa? Napaisip naman ako. 

"Darkness is the mere absence of light." sagot ko nang maalala ang tungkol doon. 

"Kung ganoon nga, kung gayon ay wala talagang kadiliman. Hindi ba?" dagdag pa nito kaya alangan akong tumango.

Kung walang kadiliman eh anong kapangyarihan ko?

"Evil?" hindi pa siguradong sagot ko. It's weird to say evil dahil parang sinasabihan ko na ring masama ang sarili ko.

"Bago tayo magsimula kailangan mo munang kilalanin kung ano nga ba ang kapangyarihan mo." sabi nito at saka naupo sa damuhan.

"What?"

"You have to know what darkness is." dagdag niya pa magtatanong pa sana ko nang biglang mag-iba ang paligid. Mag-isa na lang ako at tila nasa ibang dimensyon na punong puno ng kadiliman.



--

later na yung kadugtong natatae ako

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon