Chapter 7

7.2K 209 2
                                    

AIRA

"What do you think are you doing here?" tanong ko sa lalaking nakatayo ngayon sa pinto. Kagagaling lang namin ng cafeteria at maabutan pa namin ang isang asungot. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at nalaman ko lang din kanila Maia na hindi pala Rhya ang tunay niyang pangalan nang ikwento ko sa kanila kung paano ako napunta dito.

"To look after you." the guys said with his giddy voice. His lips painted into a grin paired by his brows moving up and down. He's mocking me! Parang gusto ko na lang punitin ang ngisi nito at itahi iyon pabaliktad.

"Oh! You're my new nanny?" I said in a squeaky voice trying to level his. Ngumiti pa ako nang malaki para sa kaniya ngunit hindi man lang natinag ang ngisi sa mukha nito. Nahigit ko na lamang ang hininga ko nang bigla na lamang itong yumukod sa akin. 

He leveled his face into mine before slowly turning his face to my side and whispered with breathy voice. 

"Nope. I actually applied for a different position." I felt shivers when I felt his breathing touching my ears. When he finally pulled away and walked into the room, I immediately gasped for air.

 Nakalimutan ko yatang huminga. Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago muling bumalik sa normal ang aking paghinga. Pinaypayan ko pa ang aking sarili dahil sa nararamdamang init sa aking mukha. 

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Maia na ngayon ay nasa harapan ko na. Napakunot noo naman ako at alanganing tumango kaya naman tumango-tango na lamang din ito bilang tugon na siyang mas nakapagpalukot ng mukha ko. Bakit siya nagtatanong kung ayos lang ako? Hindi pa nakawala sa akin ang patagong ngisi nito sa pagkagat kagat niya sa labi.

"Ano bang problema ng lalaking yun sa akin? Is he always that annoying?" inis na saad ko. Nanatili kami sa hallway at hindi pa muna pumasok sa loob ng silid. 

"I don't know. Hindi ako masyadong pamilyar sa kaniya dahil madalas siyang maatasan ng misyon." sagot ni Maia na ngayon ay nakahalukipkip na habang kausap ako. Nang matapos sa pagsasalita ay muli niyang kinagat ang labi at muli kong nakita ang pagtambok ng kaniyang pisngi at pag-unat noon sa isang ngiti. 

Naintriga naman ako tungkol sa pagbanggit niya sa misyon. I do remember hearing him say that it was his mission to protect me back in the mortal realm.

"Anong misyon?" I asked trying to ignore her mischievous expression. 

"Some students receives missions from the council lalong lalo na ang pinakamagagaling na estudyante sa akademiya. Rhyan is one of those students kaya madalas din siyang wala dito." paliwanag niya pa kaya napatango tango na lamang ako. 

Being tasked with numerous missions is no joke and Maia just said that he's always not around because of missions. That means the council trusts him and they believe in his abilities. 



"Mr. Smitt? Anong ginagawa mo sa klase ko? Naliligaw ka ba?" saad ng lalaking gurong nasa unahan habang nakatuon ang paningin sa likod ng kwarto sinundan ko naman ang tingin nito at nakitang nakatitig ito kay Rhyan. Oh right he's Drake Rhyan Smitt. 

"Order" simpleng sagot niya naman kay Sir. Napangalumbaba na lamang ako at saka pinaglaruan ang aking labi habang nakatingin sa kung saan. Is this another mission from the council? Ang bantayan ako? 

Tila naintindihan agad iyon ni Sir dahil hindi na ito nag-usisa pa at bumaling sa buong klase. 

"Since this our first meeting, alam niyo na kung ano ang mangyayari. Proceed to the Colisseum." anunsiyo nito sa klase na umani ng iba't-ibang reaksiyon samantalang nanatili naman akong nakatanga dahil wala akong ideya sa tinutukoy nila. Nang magsimulang magsitayuan ang mga kaklase ko ay nakigaya na rin ako. Kinalabit ko pa si Au na siyang pinakamalapit sakin nang magsimula kaming maglakad palabas. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon