Chapter 22

3.7K 114 0
                                    

unedited


AIRA

Nagsimula na kaming maglakad mukhang effective naman yung illusion ko sa kanila. Natagalan pa bago ko magawa ng maayos at syempre mahaba ding paliwanagan kung paano ko nagawa yun.

"Jay, ano ba naman yan. Balik na tayo. Ang init na oh." reklamo ko sa kasama kong walang paki alam. At sa mga di nakakaalam dyan hawak nya pa rin kamay ko kung kaya't isang kamay lang ang gamit ko para suportahan si Puff na mahimbing nang natutulog.

Ito ba naman kasing magaling kong alaga matapos akong pahabulin, tutulugan lang ako.  

"Bakit ba kasi sinama mo pa ko?" iritang tanong ko ulit kay Jay.

Napapadyak na lang ako sa inis at saka tumigil sa paglalakad. Wala ba talagang balak magsalita tong lalaking to?

"Ahhh!" napahiyaw na lang ako bigla nang may biglang humawak sa magkabila kong braso. Fudge ang sakit naman nilang manghawak. 

"Hoy, Jay! May plano ka bang tulungan ako?" tanong ko sa kanya kasi natulala na lang sa hangin parang wala ako dito di man lang ako tinulungan.

Narinig ko ang pagdaing ng dalawang demons na nakahawak sa akin, napapikit na lang ako ng makita ko ang unti-unting pagkatunaw ng mga katawan nila.

"Yuck yuck yuck!" shocks kadiri. Natuluan pa ko ng ilang dugo. Nabitawan ko si Puff kaya mabilis din itong lumipad papunta kay Jay.

"Come on." sabi nya at inabot ang kamay sa akin.

"Ayoko nga." syempre baka di nya na naman bitawan kamay ko. Ang sakit na kaya. Pag ito nagkapasa lagot siya kay mama, ipapa expel ko siya.

"I know what you are thinking. Then just do what you want." at tumalikod na sa akin at nagsimulang maglakad. Sumusunod lang si Puff sa likod nito. Sino ba talaga ang amo nito? 

Nakapamewang ko silang pinagmasdan. Aish. Pareho silang abnormal.

Iiling-iling akong sumunod sa kanila.

Buti na lang at wala ng ibang demons na sumalubong sa amin. Kaya maayos na kaming nakalapit sa palasyo.

"Huy! Saan tayo pupunta? Di dyan ang entrance dun oh." sabi at turo dun sa entrance. Eh linagpasan ba naman ang entrance, san nya gustong pumasok sa bintana. Bukas na bukas ang pinto.

"Are you even thinking? Edi sana nahuli na tayo. We are here to spy hindi mag grand entrance at ipaalam sa buong kaharian na pumunta tayo dito." sarkastikong sabi nya.  Akala ko ba di to nagsasalita pero ah hindi mabaho hininga niya akala ko napanis ang kanyang pinaka iniingat ingatan niyang laway.

"Ok sir" sagot at padabog na sumunod sa kanya.

Tahimik lang kaming naglakad wala namang bantay sa parteng to ng palasyo. Kailangan lang namin maghanap ng mapapasukan. Puro naman kasi dingding ang nandito, di ba uso sa kanila ang bintana.

"So san mo balak pumasok ngayon?" sabi ko kay Jay na palingon lingo na parang may hinahanap. Tumagal na ng ilang segundo pero wala pa rin akong natatanggap na sagot. Ganto ba talaga ang mga lalaki? Mga pacold.

"Bahala ka nga kung hindi ka sasagot edi huwag." sabi ko at nagalakad paunti-unti paalis. Bwisit naman. 

Gumawa ako ng replica ng sarili ko para hindi niya mapansing wala na ako sa likod niya at hindi niya rin naman napansing umalis ako dahil nakatalikod siya sa akin. Bahala siya sa buhay niya.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon