AIRA
Nagising kami nang maaga para makapaghanda sa gaganaping trainining kanya kanya kaming ayos ng mga gamit dadalhin. Ngayon lang kami nakapag-ayos dahil agad kaming nakatulog matapos ang exam. Isang linggo rin ang itatagal namin kaya kinailangan talaga naming magdala ng naglalakihang backpack para mapaglagyan ng mga gamit namin.
Other students must have been preparing themselves to come home to their families while we are preparing for a journey into the forests.
Pakiramdam ko mas malaki pa sa akin ang backpack na dala ko. Iisipin ko pa lang na maglalakad kami habang dala-dala ang ganitong kabibigat na gamit sumusuko na ko.
"Let's go." aya ni Maia at tsaka sinukbit yung bag niya sa likod niya. Lumabas na din si Au mula sa kwarto niya at mukhang handang handa na ring umalis.
"Teka lang naman." reklamo ko at saka mabilisang isinuot ang combat boots ko. Kinuha ko na din ang sarili kong bag at hirap na hirap pang isinukbit iyon sa balikat ko.
Muntik pa kong matumba nang agad akong tumayo mula sa sofa.
"Anong ginagawa mo? Hahaha." pang-aasar ni Maia at saka hinila na ko palabas ng dorm. Sinarado na namin ang dorm at linock iyon bago tinahak ang daan papunta sa gate kung saan naghihitay ang iba pa naming kasama.
"Anong meron sa tatlong gubat?" takang tanong ko nang maalala ang tungkol doon.
"Lahat ng kagubatan sa enchantra ay sakop ng Granius maliban sa tatlong iyon. Walang nakakaalam kung ano ang nasa gubat na mga iyon." sagot ni Au na mukhang wala ding masyadong alam tungkol doon. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa gate at nakitang andoon ng iba maging si mama.
"You're late." tukoy agad ni mama sa aming tatlong kadadating pa lang. Ngumiti na lang kami bilang tugon dahil medyo nahuli nga kami. Medyo lang naman.
"Nandito ang mapa ng dadaanan niyo patungo sa bahay ni Thalia. Please try your best to learn habang nandoon kayo." paalala niya at saka binigaya ng mapa si Lucy ang kumuha noon dahil siya ang pinakamalapit. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng malaking gate ng akademya dala ang aming kagustuhang matuto.
"Good luck and keep yourselves safe." paalala niya at kumaway pa samin.
Nagsimula kaming tahakin ang daan. Hile-hilerang mga bahay ang nadadaaanan namin. Paglabas nang bayan ay tsaka magsisimula ang totoong paglalakbay.
Isang mahabang paglalakad na naman. Kayang inullify ang kapangyarihan namin ng forbidden forest dahil sa nakabalot ditong kakaibang mahika kaya nga masyadong risky ang pagpunta doon lalo pa at marami daw naninirahang kakaibang nilalang doon. Kaya nagpasiguro na ko ng mga daggers at ibat ibang patalim kasama ko. Kinailangan ko pang bumili ng mga ito sa bayan. Normal na sandata lang ang mga ito hindi kagaya ng personal weapon na nababalutan ng sariling mahika.
Nagsimula na naming lisanin ang bayan. Nagsimulang kumonti ang mga bahay at mas dumami ang mga punong nadadaanan namin. Mukhang papasok na kami sa lost forest. Sinasabing wala sa mapa ang lost forest dahil madalas ay bigla na lamang nawawala at nagbabago ang porma nito. Wala itong pormal na porma dahil pabago pabago ito kung kaya't madalas ay may naliligaw dito lalo na kapag nagtatagal ng higit isang araw. Walang kwenta ang paggamit ng compass dito.
Para makalabas kami dito kailangan lang naming dumiretso at huwag pansinin ang paligid kahit ang posisyon ng mga puno. Ayon sa nabasa ko minsan ay bigla na lamang nagbabago ang paligid at magiging kapareho ng nadaanan mo ang linalakaran mo kung kaya't aakalain nilang nanggaling na sila doon at doon na magsisimula ang kanilang pagkaligaw.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasy[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...