AIRA
I woke up to the sounds of scratches and thumping. I slowly opened my eyes and tried to get up from bed taking caution of my head which is still aching a little.
Naupo ako sa kama at nakitang naghahalungkat ng gamit si Rhyan. Mukhang mas hinahanap siya. Mukhang katatapos niay pa lang maligo dahil basa pa ang buhok niya at may nakasabit na towel sa balikat niya.
Naiihi na ko. Napasapo na lang ako sa ulo ko at saka mabilis na tumayo para sana dumiretso sa banyo pero bigla lang umikot ang paningin ko at muntik pa kong matumba.
"Damn it." reklamo ko at pilit na inayos ang tayo ko. I stayed still for a few moments just to make sure that my head is doing well. I heard a chuckle from across the room probably from the guy I saw a while ago.
"Are you drunk?" I ignore his side comments.
Nang makabawi ako ay saka ako muling naglakad papuntang cr. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko. Ganito ba talaga dapat kalala ang epekto ng ginawang pagmamanipula ng utak nila Thalia? It's too much for a side effect.
Naghilamos na lang ako para pilit gisingin ang sarili ko bago ako lumabas.
"Aalis ka?" takang tanong ko nang makitang nagsusuot na siya ng sapatos. He's wearing his infamous denim jacket again.
Tulog pa rin hanggang ngayon ang iba mukhang sinusulit na nila ang binigay na pahinga para sa amin ni Thalia.
Tinignan ko ang oras sa nakasabit sa na wall clock sa dulo ng kwarto at ala una pa lang ng hapon. Masyado pang maaga dahil alas tres ang usapan para sa training.
"I'm going out for a walk." sabi niya at nag-angat ng tingin mukhang tapos na siya sa pagsisintas. Napatango na lang ako at dumiretso sa sarili kong kama.
Sinubukan kong halukayin ang gamit ko para maghanap ng gamot sa sakit ng ulo kahit pa alam kong wala naman talaga akong dala baka sakaling may naligaw.
Hindi rin nagtagal at sumuko na ko sa paghahanap. Nagugulo lang ang gamit ko. Napapabuntong hiningang umupo ako sa kama.
"Sama ko." wala sa sariling nasabi ko kaya napatingin siya sakin. Nasa gitna siya ng pag-aayos ng ginulo niyang gamit.
"Ayoko nga eepal ka na naman." malokong sagot niya. What do I expect from a jerk anyways. Inirapan ko nalang siya at saka pumosisyon ulit para matulog kahit na wala na talaga ko sa kondisyon matulog dahil kakagaling ko lang sa tulog.
I shut my eyes clothes. I heard footsteps followed by the sound of the door opening and closing.
Bakit ko ba tinanong ko pwede kong sumama? At bakit ba parang dismayado ako? Damn.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil tulog pa ang iba.
Nagtalukbong na lang ako ng kumot at pinilit na matulog kahit hindi ako makatulog. I gave up from sleeping and ended up with my overthinking session.
Nitong mga nakaraang araw hindi na nagparamdam pa ulit si Queen Violet. Hindi ko alam kung maituturing ko bang mabuti iyon o masama. Who knows what is going on in her evil mind?
Idagdag pa ang tinutukoy na propesiya. Ilang beses na iyong nabanggit sa akin ni Haria ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong propesiya ang tinutukoy niya. Wala akong ideya tungkol doon.
Maging ang tungkol sa mga magulang ko. Malaking parte ng pagkatao ko ang nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay wala akong kaalam alam tungkol sa kanila at kung paanong humantong sa ganoon ang pag-iibigan nila.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasy[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...