Chapter 8

6.9K 215 4
                                    

AIRA

Nagising ako ng alas dos ng hapon at dumiretso agad ako sa kusina. Nararamdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura at ang bigat ng katawan ko. Marahil ay resulta iyon ng gutom at pagsobra sa tulog. Mukhang tulog pa yung dalawa kaya naisipan kong magluto ng pagkain dahil hindi pa kami kumakain.

"Hey." bati sakin ni Maia na pupungas pungas pa. She stretched her arms outwards before sitting at the high stool beside the island counter. 

"Marunong ka pa lang magluto. Finally hindi na kami makakain ng lason." masayang sabi nito kaya naman natawa ako. Hindi naman talaga ko marunong magluto dahil adobo lang ang alam kong lutuin and I haven't even mastered it. Isang putahe lang din ang alam kong lutuin at hindi ko maperpeperpekto.

"Not really." natatawang sabi ko. 

"I'm gonna wake the kid." sabi niya pa at saka dumiretso sa taas. Doon ko naman hinanda ang lamesa. Nakarinig ako ng ilang kalabog sa taas at isang malakas na pagbagsak kaya naman napangiwi na lang ako. I'm quite getting used with their setup. 

"Hi ." she greeted with a small voice. Ngumiti pa ito habang kinukusot ang mata niya gamit ang nakakuyom na mga kamay. I smiled at her cuteness. 

"Kain." aya ko pa sa mga ito. nagsiupuan naman sila at saka nagsimulang kumain. Matapos naming kumain nagkaayaan kami na tumambay malapit sa field. 

Today is a free day. Wala din akong ensayo at sa wakas ay hindi ko pa din makikita ang asungot na laging sumisira ng araw ko. He's been pestering me the past few days.

May ilang students ang nageensayo sa malawak na field. Everyone looked real cool on demonstrating their stunts with physical combat combined with their magical abilities. I stared at them with admiration. I had my special combat class with my teachers because I've trailing behind everyone else and its real hell. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko kaya hanggang maari ay binabawasan ko ang galaw ko dahil kumikirot ito kahit sa simpleng galaw lang. 

Tinawid namin ang tulay na nasa lawa at nagdire-diretso hanggang sa matanaw ko ang isang malaking puno dumiretso kami hanggang sa likod noon kung saan tanaw ang magandang gubat sa di kalayuan. Tiningala ko pa ito at agad na napatakip sa mata dahil sa pagkasilaw sa araw. Naalala ko ang garden sa dati naming school halos kahawig noon ang itsura ng lugar pero mas buhay ang paligid dito. Ngunit tanaw din mula dito ang gubat na nasa likod ng malaking punong iyon.  Umupo ako sa isang ugat at saka isinandal ang ulo ko sa puno.

"This place is beautiful." puri ko sa lugar. 

"Told you." Maia said proudly. Nakaupo sa isang duyan na nakatali sa malaking sanga ng puno, hinawi nito ang pulang buhok na pilit na tumatakip sa kaniyang mukha dahil sa malakas na hanggin. 

"Malapit ito sa thornwood forest kaya wala masyadong pumupunta dito." paliwanag pa ni Maia kaya naman napatango-tango ako. That's why we saw no one lurking around the area.

"Thornwoord Forest?" saad ko nang makarinig ng hindi pamilyar na lugar. Hanggang ngayon ay kakaunti pa lang ang alam ko tungkol sa lugar dahil na rin sa halos nasa paaralan lang ako at hindi pa ako nakakalabas para makita ang iba pang lugar.

"Dati naman hindi ito pinagbabawal at ang orihinal na tawag dito ay Forest of Dreams, dito madalas maglaro ang mga batang mamayan ng Auris at dito din kumukuha ng pangkabuhayan ang iba dala ng pangangaso. Pero matapos ang pagkahati ng kapangyarihan ng Ruler nagsimulang balutin ng sumpa ang gubat, may nagsasabing dahil nawala ang balanse sa pagkakahiwalay ng dalawang elemento kaya nangyari yun.

Umaabot sa tatlong kilometro ang lawak ng gubat at maraming mga mababangis na hayop ang nandito, may ilan ding mga dark creatures ang nasusummon papunta dito dahil sa itim na puwersa na umaakitsa mga ito." mahabang paliwanag nito. I nodded as I absorbed the information. It looks like a beautiful forest from here but looks can be deceiving. May tinatago pa lang panganib ang magandang gubat na ito. Sabay sabay naming tinanaw ang gubat. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon