Chapter 21

4.1K 118 0
                                    

AIRA

We have to walk out of the forest to get to the nearest village which is where the Academy is. Jay is the one holding the scrolls.

Kanina pa rin akong tahimik habang sila ay patuloy sa pagkwekwentuhan tungkol sa mga activities na mamimiss namin dahil sa mission. Nakatulala lang ako sa unahan kung nasaan ang hile-hilerang puno nang mapatalon ako nang sikuhin ako ni Maia. Agad akong napalingon dito, pinagtaasan niya ako nang kilay kaya agad na napakunot ang noo ko. "What?"

"Galit ka ba?" tanong nito kaya agad akong napailing. I mean I am quite pissed but its not with them.

"Eh bakit hindi mo kami pinapansin? Tapos kanina ka pa iwas nang iwas sa amin! Kanila Zayn at Gray ka pa tumabi noong nagmeeting." sunod sunod na saad nito at medyo tumataas na din ang boses. Napalingon na din sa amin ang iba lumapit na din si Au sa akin at inangkla ang braso bago dumungaw sa aming dalawa. She pouted while staring at me.

"Oo nga kanina pa kita hindi nakakasama. Hindi mo ba nagustuhan yung kapeng binigay ko sayo?" she whined. Agad akong napanguso para magpigil nang ngiti. Bakit niya naman iisipin na tungkol iyon doon?

"No it's not that. Hindi ako galit sa inyo." pigil ko sa kung ano pang sasabihin nila ngunit mas lumalim lamang ang titig nang mga ito kaya agad akong nag-iwas nang tingin.

"Kung ganoon kanino?" dagdag pa ni Maia kaya gulat akong napabaling sa kaniya agad din akong nakabawi at saka kinunotan ito ng noo.

"I am not angry." mariin kong saad at saka tinanggal ang nakaangklang braso ni Au para mauna sa paglalakad. Narinig ko ang tawa ni Zayn na agad na sinaway ni Maia.

"Now you are." dagdag pa nito at saka bumungisngis ngunit kasunod noon ay ang isang daing. Napabuntong hininga na lamang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nanatiling palipad lipad si Puff at kung minsan ay binibitbit ito ni Lucy at mabilis iyong makakatulog.

I am not angry, I'm just pissed. I feel like they don't care about me enough. They should've considered how empty I feel like. I just wanted to fill in that void I have within myself. Is it really them who's insensitive or is it who's being too sensitive? Damn it. Maybe its really I wasn't in good state of mind a while ago that's why I keep on bursting out. I was too impulsive.

Kung titingnan ay wala naman silang sinabi o ginawang masama. Alexis was just trying to justify the people's action while Rhyan was just trying to help. Why do I have to react violently with that?

Now, I feel guilty. I don't know how I should act. Sana hindi nila dibdibin ang ginawa ko.

When we arrived in the village we immediately got two carriages for all of us. Kaniya-kaniya kaming sakay at puwesto. I still didn't know how I should act with Alexis kaya pinilit kong makipagsiksikan sa karwahe para sa mga lalaki naunahan ko pa ang ibang makasakay. The carriage was already full when Rhyan tried to get in, iginala niya ang paningin at natigil ito sa akin. He sighed before getting off. Maging ang ibang kasama ko sa loob ay nakatingin sa akin.

"Uh-." hindi naituloy ni Zayn ang sasabihin niya nang bumungad sa pinto nang karwahe si Maia at saka hinila siya paalis.

"Doon ka sa kabila dito ako." saad ni Maia at saka pabalibag na ihinulog si Zayn kaya hindi na ito nakaangal. Naupo ito sa katapat kong upuan na inuupuan ni Zayn kanina. She's intently staring at me. Napanguso na lamang ako at pilit na inihilig ang ulo sa sandalan at nagkunwaring tulog para hindi niya ako makausap. Naramdaman ko ang pag-usad nang karwahe bago ako tuluyang makatulog nang totoo.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang biglang pagtigil ng karwahe. Agad din akong napabalikwas ng mapagtantong nakahilig ako sa lalaking katabi ko. We are now on the way to Auris for our mission. Napatingin ako dito at doon ko napagtanto kung sino iyon. Napasapo na lamang ako sa aking noo at saka ilang beses na sinampal sampal ang sarili.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon