Chapter 33

2K 66 1
                                    

AIRA

Halos malula ako nang bigla na lang magbago ang paligid. Everything started to spin and things started to be distorted. Until everything started turning black, the same black as the darkness in the vast outer space. 

I'm in space! I can see millions of lights from all directions and all the groups of cosmic dusts forming up.

Mabilis kong tinakpan ang ilong ko sa pag-aakalang totoong nasa kalawakan ako. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero lahat ng nakikita ko ay kadiliman.

I couldn't hold my breath for long I ended up gasping for air and realized I could I actually breathe.

Napakunot na lang ang noo ko. Ramdam kong nakalutang ako pero pakiramdam ko lumulubog ako sa kailaliman ng dagat ngunit lahat ng nakikita ko ay kadiliman.

Hanggang sa bigla na lang akong makitang bulto ng isang babae mula sa malayo. Kagaya ko nakalutang din siya sa kalawakan.

Sinubukan kong gumalaw patungo sa kanya pero nahihirapan ako pakiramdam ko sinasalubong ko ang mga alon habang pinipilit na marating ang kinaroroonan niya.

Pero nang sa wakas ay makita ko siya ng malapitan, agad akong natigilan. I froze in my position with eyes opened wide.

It was me.

Kung gayon ito ang tinutukoy ni Thalia na lalabanan namin ang aming sarili. But how was that possible? Imposibleng pagdalawahin ko ang sarili ko.

Nagulat na lang ako nang bigla itong umatake dahilan upang tumalsik ako ng ilang metro. 

"Damn."

Paano niya nagagawang gumalaw pa ng maayos habang ako hirap na hirap na balansehin ang sarili ko. Inihanda ko naman ang sarili ko para sa laban.

I'll try my best to survive this.




Nagising ako dahil may naramdaman akong mahapdi sa kanang braso ko at maging ang buong katawan ko ay sumasakit.

Iminulat ko ang mata ko at nakita si Thalia na abala sa pag-asikaso sa dumudugo kong braso. 

"Aww."

"Hija konting tiis na lang matatapos na ko." sabi niya habang pinapahidan ng kung ano ang sugat ko. Pagkatapos inilapat niya ang palad niya at may ibinulong na katagang hindi ko rin naintindihan. Pagkatapos nito ay umilaw ng kulay puti ang kamay niya at naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa braso ko. Pakiramdam ko kinukuryente ako pero hindi iyon masakit.

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng hila sa biglaang pag-upo ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang isang malaking cauldron sa ibabaw ng apoy. May mga estante din na punong puno ng mga bote at may lamang kakaibang mga linalang at ang iba ay likido.

"Kumusta hija, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Isa po ba kayong healer?" takang tanong ko. Natawa naman siya ng bahagya.

"Isa akong white witch." maikling sagot niya. Pero hindi bat matagal nang ubos ang mga white witch?

"Pero hindi po bat--" 

"Isa ako sa natirang nabuhay mula sa nangyari noon. Mas mabuti pang huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon." mahabang pahayag niya at mukhang ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol doon kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon