Chapter 28

3.6K 100 3
                                    

AIRA

Mula sa seldang kinaroroonan ko kanina andito ako ngayon sa isang malawak na kwarto na maihahalintulad sa isang ball room. I was in the middle of an aisle.

The room was filled with bronze details, the pillars we're all designed into Corinthian orders. There was no ceiling and walls making the place open from the sight of darkness from the surroundings. It seemed like one of those greek structures. There were statues of what seems like angels with horns. My eyes caught a glance of dead trees and plants from the outside. 

Hindi ako makagalaw dahil mayroong nakakabit na chains sa magkabila kong kamay at sa dalawa kong paa. Para kong ipinako sa krus sa posisyon ko ngayon. The surroundings is so quiet. I can only hear my heavy breathing. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako ng sobra. I have a bad feeling about this. I never felt this feeling way before, fear.

Naglakad siya palibot sa akin habang nakahawak pa sa baba niya at nakapinta ang isang ngisi sa kanyang labi. That smirk of hers, alam kong may masama siyang binabalak.

"Nervous eh? Don't be nervous dear, you should be excited." she spoke sweetly while holding my chin. I can see her face closely, I can see her eyes. I saw rage in her eyes. We're those anger or sadness?

"Ngayon lang ako naghanda ng isang selebrasyon para sayo." dagdag niya pa habang nakapinta ang isang ngisi sa kanyang labi.

Natigilan lamang siya sa ginagawa niya nang biglang pumasok ang isang lalaking nakasuot ng isang itim na cloak. 

"They're coming, Your highness." sabi ng isang lalaki na kakapasok pa lang.

"Since this is your event, you have to act like a damsel in distress." sabi nya at kasunod noon ay ang kanyang halakhak. It echoed in the whole place.

Her smile is so strange that it creeps me out. Para siyang isang taong may mental disorder na nakatakas mula sa asylum. Tila sabik na sabik sa plinano niyang mangyari.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong naparalisa. Hindi ko maigalaw ang kahit na anong bahagi nang katawan. Damn ano bang ginawa niya?

"Enjoy." she said before vanishing from my sight. 

Nakarinig ako ng yabag ng paa. Marami sila at parang nagpupumiglas ito dahil na rin sa dulot na kaluskos sa sahig. 

Nagulat na lamang ako nang makinta kung sino ang dalawang lalaking hawak nang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na cloak. 

Damn pati sila?

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang umalis ang mga lalaking nakacloak at iniwan ang dalawang lalaki. 

As if on cue both of them stiffened 

"Damn you violet." Rhyan muttered as if they heard a voice and they immediately rushed into my side after that. Hindi tulad ko ay hindi sila nakagapos wala rin silang natamong sugat kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Rhyan nang mapunta sa direksyon ko ngunit hindi ko magawang sumagot. Natigil lamang siya nang biglang sumulpot ang bulto nang mga taong nakasuot nang itim na cloak. 

Napapikit na lamang ako. Kung gayon ang tinutukoy niyang selebrasyon para sakin ay ganito?

Naalerto ang dalawa at mabilis na pumosisyon at humarang sa akin.

Bigla na lamang sabay na sabay na umatake ang mga lalaki kaya agad na umiwas ang dalawa at sinimulan ang kanilang pag-atake ngunit laking gulat namin nang subukang sipain ni Jay ang isa ay tumagos lamang iyon sa katawan nang lalaki.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon