Chapter 32

3K 87 18
                                    

AIRA

"Greetings to you, your highness-es." she welcomed us with her warm smiles. 

"Ako nga pala si Thalia at ako ang makakasama niyo para sa inyong pag-eensayo." pakilala pa nito sa kanyang sarili.

"Nagagalak po kaming makilala kayo." natutuwang sabi ko sa kanya. Pinakilala namin isa -isa ang mga sarili namin habang nakangiti siyang nakikinig sa amin.

"Hindi niyo na kailangang ipakilala ang sarili niyo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga maharlika ng enchantra." nakangiting sabi niya na sinuklian lamang namin ng isang maliit na ngiti dahil sa hiya.

"Halina kaya sa loob para makapagpahinga na kayo. Alam kong napagod kayo sa pagsuong sa ipinagbabawal na gubat." sambit nito ng wala nang magsalita sa amin. Tinahak namin ang daan na gawa sa pinagdikit-dikit na mga bato patungo sa kanilang bahay. May mga halaman sa magkabilang gilid na nakaayos na tila dinisenyo ng isang magaling na hardinero.

Nag-unahan pa nga kami sa pagpasok ng bahay at pag-upo sa couch habang dala dala pa rin ang malalaki naming bagahe. Iniwan muna kami ni Thalia sa sala at pumasok sa isang kwarto na mukhang kusina.

I couldn't help but to admire the interior of the house. Gothic features were quite remarkable all over the place it made me feel quite excited. I always admired gothic styles. The furniture were all accented with bronze and brown.

"Mga hijo at hija. Halina muna sa hapag. Ang pagkain ay nakahanda na." pag-aya sa amin nito sa amin mula sa kusina. Agad kaming tumalima at nagtungo sa kusina. Iniwan lang namin ang mga bagahe sa isang area sa sala.

All of us were exhausted from the long walk. We were walking for like a whole day!

Pagdating sa hapag ay nagtaka pa ko dahil sa bagong mukhang nakita ko. There was another woman. Wala akong ideya kung sino siya pero hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan niya habang naghihila ako ng upuan at pinoposisyon ang sarili ko sa hapag.

She's only wearing a tube exposing a little of her chest pairing it with shorts which looks a lot shorter. At talagang tumabi siya sa side ng mga boys. I don't if it was just me but she seemed like she purposely positioned herself in a way highlighting her chest.

I closed my eyes trying to keep myself from rolling my eyes.

Don't be a judgmental!

I want to shut my brain down so it would stop downloading toxic thoughts in my head.

"Pssstt.Jerk. Sino yung mukhang lintang yan?" mahinang bulong ko sa katabi kong abala na sa pagsubo ng pagkain habang wala pa ring kalaman laman ang plato ko.

"Her name is Valentina." aba talagang pangalan pa lang ahas na. Nagkibit balikat na lang ako at kumuha na ng pagkain pero agad din akong natigilan.

"Teka pano mo nalaman? Hindi pa naman siya pinapakilala sa atin ah?" takang tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya bago sumagot.

"I've been here." prenteng sagot lang nito kaya hindi na ulit ako nagtanong pa. Sinubukan kong pagtuunan na lang ng pansin ang pagkain ko.

But I couldn't help noticing her. She leaned from her seat trying to reach for something causing her to actually end up exposing her chest more.

Halos dumikit na rin siya sa katabi niyang mukhang tuod na panay lang ang subo sa kinakain niya. Nang hindi pa rin niya makuha ang kinukuha niya ay katabing si Jay na ang nag-abot nun sa kanya. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon