unedited
AIRA
"Aira, Alexis!!!" tawag sa amin ni Au na kasulukuyang pababa ng podium. Malakas ang boses nito kaya halos lahat ng malapit sa amin ay napatingin. Parehong-pareho talaga sila ni Maia, akala mo nakalulon ng speaker.
Pumunta siya sa direksyon namin na hindi rin naman kalayuan sa stage at nakipagsiksikan sa mga tao kasunod niya naman si Maia na parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa bagsak nitong mga balikat.
"Ano nang sunod na mangyayari?" tanong ko kay Maia na kasalukuyang nakakunot ang noo, pilit pa itong lumalayo sa mga tao kahit pa hindi naman ganun kasiksikan, tama lang para makatayo kami at makagalaw. Mukhang ayaw niya lang talaga sa matataong lugar.
"Magkakaroon muna ng assembly per camp para maayos na yung gamit nila sa tents." paliwanag nila kaya naman nakahinga kami ng maluwag. Ibig sabihin lang nun ay pwede kaming makapagpahinga.
Isa-isang nagsialisan ang kumpulan ng mga estudyante kaya unti-unti na ring lumuwag ang aming kinatatayuan. Nasa itaas pa rin ang mga Hari at Reyna ng mga kaharian.
"I think we should join our parents." sabi ni Gray at pasimpleng tinapunan ng tingin ang royalties. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya kaya napagdesisyunan naming umakyat sa stage.
"Greetings your majesties," pangunguna ni Maia at saka nagbow. Sumunod naman kami at sabay sabay na nagbow. Ngumiti silang lahat sa amin kaya ngumiti din kami sa kanila.
"You're doing a great job in facilitating the camp." puri ni King Theorem sa amin kaya napangiti naman kami.
"It's an honor. We had fun doing stuffs." sagot naman ni Maia.
"Oh please quit the formalities Theo why don't you guys come and give your parents a hug." pagkontra naman asawa nitong si Queen Sophie at saka ibinuka ang mga braso.
"Zayn? Come on." pag-aalok pa nito sa anak, alanganing namang tumingin ang lalaki at saka dahan-dahang naglakad.
"Ma naman." reklamo nito pero hindi ito pinalagpas ng ina at siya na mismo ang tumayo at yumakap sa anak. Hindi pa ito natapos doon dahil nanggigigil pa itong hinalikan ng reyna sa noo.
"Ma!" pagkontra dito ni Zayn kaya naman nagsitawanan kami. Still we ended up going to their parents. Everyone was catching up with each other. Samantalang nasa isang sulok lamang kami habang nakikipagtitigan kay Mama.
"Tama na yan magsisimula na tayo ng activities." biglang anunsiyo ni Mama kaya napabusangot na lang ako.
Kinumpas niya ang kamay niya at nagsimulang umalingawngaw ang tila tunog ng maliliit na kampana.
"Royalties, magsibalik na kayo sa inyong pwesto." sabi ni mama at saka tumingin sa kapwa niya Hari at Reyna pati na rin sa Elementums.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan!" pagmamamaktol ni Queen Analyse pero nginisian lang siya ni mama. Bumalik kami sa pwesto namin sa baba sa pinakaunahan. Nagsimula namang magsidatingan ang students nang magsimulang patunugin ang pito na siyang naging hudyat para dito. Tumaas muli sina Au at Maia at dumiretso sa podium.
"Delegates! Let as all brace of ourselves as we begin the series of events." simula ni Maia na bahagyang tumikhim pa bago magsalita. Lahat naman ay napatingin sa kanila na tila naghihintay ng kanilang sasabihin.
"Starting with our opening activity. The infamous 'Hunt by Blood'!" naghiyawan naman ang ilan habang nakakunot ang noo ko. Honestly hindi ako nakikinig sa meeting kaya hindi ko alam kung tungkol saan ang mga activities.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasía[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...