Chapter 27

3.2K 98 1
                                    

AIRA

"Shit." I cussed trying to dodge the daggers. Patuloy ang pag-iwas ko sa mga ibinabato niyang daggers. Napahawak ako  sa kaliwang braso ko nang matamaan iyon ng isa, bumaon iyon sa balat ko kaya agad ko iyong hinugot at itinapon. Hindi pa ako nakakabawi ngunit wala akong nagawa dahil madami pa ang patungo sa direksyon. I summoned my sword and tried to deflect the daggers using my unwounded arm.

We might have had a different definition of training. This is torture!

Madami na ang natamo kong hiwa sa kung saan saang bahagi ng katawan. Simula kanina ay hindi na siya tumigil sa pag-atake sakin.

"Can't we have a break?" I frustratingly said. Nasa harap ko na siya ngayon. Our weapons are clashing with each other, mine a sword, his a dagger.

"You can't ask for a break engaging in war, can you?" sagot nito saka pinadausos sa aking espada ang kanyang dagger dahilan ulang dumaplis ito sa damit ko at mapunit iyon.

Damn it.  

Nagpatuloy ang ganung eksena. Our weapons clashed with each other endlessly. Ramdam ko na ang pagrehistro ng pagod at sakit sa sistema ko.

He was engaging for another attack but even before our weapon's clashed, I fell in my knees but I still forced to lift my sword to block his attack.

"Damn please be more gentle." pakiusap ko nang muling magkahiwalay ang mga sandata namin.

"You can't ask your oppo-" I stopped he's lecture when I stood up and attacked him with my sword.

"You can't just blabber nonsense while engaged to a battle."  bawi ko sa kanya habang patuloy ang pag-atake. Patuloy naman ang pag-iwas niya sakin. 

Nagulat ako nang biglang siyang tumalon at umapak sa mismong espada ko dahilan upang maibaon ko iyon dahil sa bigat. Paikot pa siyang tumalon patungo sa likod. Naramdaman ko na lang ang isang malakas na sipa mula sa likod at kasunod noon ay nakabulagta na ako sa damuhan habang nakatutok ang isang dagger sa leeg.

"This is why training is important." sabi niya at ngingisi ngisi pa bago umayos ng tayo.

Dahil nasa training kami hindi ako hindi healer ang gumamot sakin kung hindi isang nurse lang sa school clinic. Nakailang reklamo pa ko pero hindi niya iyon pinakinggan. He's still holding on with his 'ways'.

"You need to endure those para masanay ka. Hindi ka agad magagamot ng isang healer sa laban."

I can clearly remember his lines. Napabuntong hininga na lang ako at saka humiga sa kama. Nasa loob ako ng dorm wala pa dito sila Maia at Au baka nag-extend pa ng klase ang prof nila.

Dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. 

Namulat ang mata ko sa isang kakaibang lugar. Parang nasa ibang dimension ako gaya ng napuntahan ko ngunit ang pinagkaiba ay ang makikitang kulay dito ay puti.

"Aira."

Narinig ko ang isang mahinhing boses ng babae. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses. Pero hindi ko ito matunton dahil umaalingawngaw ito sa buong lugar. 

"Aira."

 Humarap ako sa kanan ng maramdamang nagmumula doon ang boses, mula doon ay nakita ko ang pigura ng isang babae. Nakaupo ito sa tila isang tronong gawa sa ginto at kulay pulang tela.

Nakasuot ito ng mahabang kulay puting bestida at nakapatong sa kanyang ulo ang isang koronang gawa sa mga bulaklak na sing puti ng nyebe at mga dahong may kakaibang hulma.

"Sino ka?" takang tanong ko, nanatili akong nakatayo sa malayo sa kanya.

"Haria, ako si Haria." malambing pang pagpapakilala niya. 

"Naniniwala ka bang hindi maaring magsama ang dalawang magkasalungat na bagay?" tanong nito habang pinaglalaruan ang kaniyang buhok. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Hindi." matapang na sabi ko dahilan upang makita ko ang isang namamanghang ngiti mula sa kanya. 

I believe that opposite things can coexist with each other, a  relationship should't be bounded by difference. Dahil kagaya sa konsepto ng yin at yang na pinanatiling balanse ang dalawang magkasalungat na puwersa, maaring ganoong din sa ibang bagay.

"Very well." mahinhing sabi niya na tila namangha sa sagot ko. 

"Alam mo ba kung bakit ka naririto sa dimensyong ito?"  tanong niya na nakakuha ng atensiyon ko.

"Because you are the patron of the prophecy and it is my job to guide you as the goddess of enchantra." patuloy niya habang diretsong nakatingin sa akin mata pakiramdam ko kinakausap niya maging ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya.

Napakurap pa ko nang ilang beses nang banggitin niyang siya ang goddess of enchantra. Kaya naman pala ganun ang nararamdam ko sa kanya. Parang ang gaan at napakakomportable ngunit nandoon din ang kakaibang pakiramdam ng pagkadakila sa kanya. 

"Ako ang gagabay sayo Aira, sa papamagitan ng konektado na ting isip." paliwanag niya pa habang naglalakad patungo sa kin. Maging ang simpleng pag- alon ng buhok niya ay nakamamangha.

Hindi rin ako makapagsalita dahil wala akong mahalungkat na nararapat na salita na dapat sabihin. 

"Kailangan mong maghanda sa iyong ikalabing walong kaarawan." iyon ang mga huling salitang narinig ko bago biglang umikot ang paligid at mag-iba iyon.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagmulat ang mga mata ko sa ibang paligid. Ramdam ko ang sakit mula sa aking pulso dahilan upang tingnan ko ito. 

Kadena?

Nagulat ako nang mapansing nasa loob ako nang isang selda at nakagapos ang magkabila kong kamay gamit ang kadena. Pero ang mas nakapagtataka ay ang suot kong kulay puting bestida. Wala akong maalala kung paanong napunta ako dito pero base sa kakaibang simoy nang hangin at bigat ng paligid. Isa lang ang lugar na nakapagparamdam sakin ng ganito. 

I'm sure I'm in the underworld.

Napatingin ako ng marinig ang unti-unting pagbukas ng selda. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ng isang babaeng may suot suot na koronang ginto at ang kanyang kulay pulang mga mata. 

"How are you my niece?" 

Niece? Hindi kaya-- 

Pero wala akong nabalitaang ni isang tungkol sa kanya. Sino ang kapatid niya ang nanay ko ba o ang tatay ko?

"I missed a lot from your life, kaya hayaan mo akong bumawi ngayon. Bibigyan kita ng isang espesyal na selebrasyon na hinding-hindi mo malilimutan." nakangising sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang kanyang mahahabang mga kuko.

Naramdaman ko pa ang hapdi mula roon nang humiwa iyon sa aking balat.

Nakangisi pa siyang dinilaan ang kanyang daliri kung saan dumaloy ang dugo mula sa akin.

I can't even stand watching her.

"Why don't we play a game?" 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon