Chapter 6

7.6K 218 3
                                    

AIRA

We rushed into the hallway wearing our blue mini-skirts and white blouse with our blue neckties. We are all wearing knee socks and black shoes.Today is our first day and we're actually running late in class. I can feel my heart racing fast both from excitement and nervousness. 

Maia and Au helped me a lot in adjusting with my new environment. They oriented me on what things I will encounter in class and that includes magic and more unbelievable stuffs. So I already braced myself for the unexpected to happen.

Nalaman kong ang enchantra ay isang kakaibang mundo kung saan nag-eexist ang mahika. Halos hindi ako makapaniwala ng ipakita nila sa akin ang paggamit ng kani-kanilang mahika. 

Pumasok kami sa loob ng unang klase at laking pasasalamat namin at wala pa namang teacher sa unahan. Mabuti na lamang at pareho kami ng klase nila Maia at Au. 

"Before we start, I'd like to introduce to you, our new student." sabi nya habang tinuturo ako.

"You are Miss?"tanong nya sa akin habang nakatingin sa akin na parang nagsasabing introduce yourself.

"Athena Aira Hernandez" pakilala ko sa kanila habang nakatayo.

"I'm Ms. Suzzete Turiano. Your one and only beautiful teacher in combat class." pakilala pa ni ma'am habang ngiting ngiti, naghiyawan naman yung mga kaklase namin kaya napangiti na rin ako. Mukhang matagal na silang magkakakilala.

"Siya din ang naging teacher namin last year pero di tulad ngayon ay witchery and crafting ang tinuturo niya." bulong sa akin ni Maia kaya naman napatango tango ako. 

"Class, tahimik. Miss Hernandez come with me." sabi pa ni Ma'am nag-ingay ulit yung mga kaklase ko dahil lalabas ng room si Ma'am. Typical situation in classrooms. Hanggang dito pala ay ganoon din ang nangyayari. Napatayo naman ako upang sumunod kay Ma'am 

Nagulat ako ng may biglang may lumilipad na spear ang tumusok sa pader sa pinakalikod ng room. Napatingin agad ako kay Ma'am dahil siya ang nagbato noon. 

"Sabi ko diba? Tumahimik kayo." sabi niya pa habang nakangiti bago naglakad palabas ng room. Sumunod agad ako sa kanya dahil baka mamaya gawin niya ulit yung ginawa niya kanina. Nakailang lunok pa ko ng laway at napatingin kanila Au at Maia na nakataas ang mga kamay at tila pinapalakas ang loob ko.

"By the way Miss Hernandez, located sa building na to ang Main weapon room, may isa pang minor weapon room sa main building, at para yun sa mga warriors at staffs, in case na kailanganin para sa attacks." paliwanag ni Ma'am habang naglalakad kami sa hallway. Actually ngayon palang ako nakakapunta sa building na to dahil hindi namin nagawang libutin lahat noong nagtour kami.

Pumasok kami sa isang pinto kung saan may nakapaskil na Weapon Room na nakaukit sa gintong plaka. Pagpasok pa lang namin napanganga na agad ako sa bumungad saming sobrang daming sandata. Kalahati lang ng laki ng main cafeteria ang weapon room pero punong puno ito ng iba't-ibang sandata.

May mga nakasabit sa dingding na mga bow and arrows, meron ding mga daggers at chains. May mahabang table din sa dulo kung nasaan nakalatag ang mga spears at swords. Marami pang klase ng patalim at sandata ang hindi pamilyar sa akin. 

Shocks ano ba talagang klaseng paaralan tong napasukan ko?

"Dahil baguhan ka pa lang kailangan nating alamin kung alin dito ang nararapat na sandata para sa iyo." saad nito at saka iginiya ako papasok ng kwarto.

"So as you can see there are about 1000 different kinds of weapons in this room. And you can only have at least one of them. This weapons are elite ones unlike nung mga weapons sa isa pang weapon room, those are common weapons na ginagamit. This weapons varies differently from the common ones, you can exert your energy and let it flow through your weapon or you can also absorb energy from the weapon itself. Kaya kailangang compatible and weapon na mapupunta sa sayo sa kapangyarihan mo." mahabang paliwanag ni Ma'am habang nag-iikot-ikot.Napatingin ako dun sa pana na may gem na kulay blue sa pinakagitna. Hahawakan ko na sana ito pero bigla itong gumalaw palayo. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon