AIRA
"Welton is our cousin." Zayn explained while clinging into Welton making him bend down.
"Stop it." reklamo naman ng huli kaya natatawa namang bumitaw si Zayn. I did't knew the whole royal family tree. Ang dami ko pa talagang hindi alam.
Nagtipon kami palibot sa sala at parang batang nagsisiksikan sa couch kahit napakalaki naman ng espasyo.
"I'm actually a day late dahil kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa training. Pag-uwi ko para sa sem break tsaka lang sinabi sa akin. Madison came with the letter informing me about the training." mahabang paliwanag niya. I curiously tilted my head upon the mention of an unfamiliar name.
Napatingin ako sa katabi ko at siniko ito. I'm actually sitting beside my sister or more like leaning on her. Nakaupo ako sa armrest ng sofa at nakadantay ang kamay ko sa sofa na nasasandalan niya.
"Who's Madison?" mahinang bulong ko sa kanya. Out of all the people here I'm the clueless one. Lumaki silang magkakasama or at least magkakasama sa isang mundo. Malamang ay madalas nilang makasama ang isa't isa lalo na kapag may mg events samantalang mag-isa akong lumaki sa mansiyon sa ibang mundo.
"Welton's elder sister." prenteng sagot niya kaya napatango-tango ako. All of a sudden I became curious about the whole royal blood.
"I thought she's busy?" takang tanong naman ni Gray. Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sa usapan nila dahil wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila.
"Kagagaling niya lang sa council matapos niyang isecure ang borders lalo pat may mga nababalitang attacks. And she was beyond excited when she gave me the letter, too excited that she ended up telling the whole story about her experience. Muntik na akong makatulog pero binabatukan niya agad ako kaya kinailangan kong tiisin ang antok until the end of her story." paliwanag niya pa kaya nagsimulang magtawanan ang iba.
"She's really a sadist." iiling iling na kumento ni Nathan sa isang gilid. Mukhang mayroon din siyang experience tungkol kay Madison kaya nasabi niya iyon. Natawa naman si Lucy sa gilid niya na tila inaasar ang kapatid niya.
Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa dumating si Valentina dala dala ang mga sandwiches na siyang nagsilbing meryenda namin. Nalaman kong isa sa head ng royal army ng Hydran at mataas ang posisyon niya sa council. I couldn't help to admire her from their stories. They ended up talking about Madison a lot before they switched the topic about the recent attacks.
"Ang pinakahuling atake ay nagmula sa Auris." lumingon muna sa direksyon namin si Welton bago ipagpatuloy ang sinasabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Lex bago tinuon ang atensiyon sa kaniya. Walang nakakarating na balita sa akademya tungkol sa nangyayari sa labas kaya wala kaming kaide-ideya sa nangyayari.
"Tatlong preso mula sa dungeon ang bigla na lang naglaho. Hindi sila tumakas dahil nakita pa mismo ng warden ang pagsulpot ng mga cloak na nababalutan ng kakaibang usok at biglang pagbalot nito sa tatlo at ang pagkawala nang mga ito kasunod noon." pagsasalaysay niya kaya napakunot ang noo namin. Paanong nangyari yun? Imposibleng mawala na lang sila bigla.
Unti unting nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Ang mga kakaibang cloak. Ganoon din ang nakaharap namin noong napadpad kami sa underworld.
Natigil lang ang pagkwekwentuhan namin nang dumating si Thalia. May hawak itong tray na napapatungan ng isang tea pot at mga tea cups.
"Mga bata. Uminom na muna kayo ng tsaa. Makakatulong ito sa sakit ng ulo niyo." malumanay na sabi nito. Agad naman kaming sumunod at nagkanya kanyang kumuha ng inumin namin maliban kay Welton. Sa itsura pa lang nito ay alam na agad namin na hindi ito normal na tsaa dahil sa kulay nitong kulay diyamante at mayroon ding mga bulang patuloy na sumasayaw dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/117281334-288-k783615.jpg)
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasi[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...