Chapter 49

2.5K 79 2
                                    


Aira almost fell in her knees while clenching her chest. Everyone had almost fallen but they were trying to endure it. There's no way they could leave this battle unfinished. 

She was grunting as she tried to keep herself from falling into the ground. Mabibilis ang naging paghinga nito at halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa pagkakalamukos niyon.

Muli itong napaubo ng dugo. Sa kabila ng narararamdamang hirap ay nagawa nitong itukod ang kaniyang espada upang suportahan ang sarili. Diretso nitong tinapunan ng tingin si Janus na ngayon ay tila labis na nasisiyahan sa kaniyang ginawa. Nakapinta sa kaniyang mga labi ang nakakakilabot na ngising dulot ng pagkasiya sa kaniyang ginagawa.

Samantalang halos tulala si Aira dahil nasaksihan. Tila sirang plaka iyong nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan.

"Y-you're wicked, Janus. You're worse than the devil." Matigas na saad nang prinsesa sa kabila ng iniinda nito ng sakit. Narinig iyon ni Janus na nagsimulang tumawa at mabilis pa sa alas kuwatrong nasa harap na agad na ito ng babae at hawak iyon sa leeg.

They were shooting daggers with their stares clashing against each other. Aira gritted her teeth. It was the  face of her twin she's staring but her eyes weren't. Pain creeped in her chest like a poison started to reach her heart and is now being pumped to her veins all over her body.

"I am the devil, princess." Mariing saad nito. Mas diniinan nito ang pagkakahawak sa leeg ng huli dahilan upang mapangiwi ito sa sakit, agad na bumalatay ang pagkahumaling sa mukha nito.

The agony and pain of others has been the source of his wicked pleasures.

Aira spatted blood before smirking at Janus. Agad na nag-init ang dugo nito at padarag na binitawan ang pagkakasakal sa babae bago iyon binigyan ng isang malakas na sampal gamit ang likuran ng kaniyang kamay. Napabaling na lamang sa kaniyang kaliwa ang prinsesa dahil sa lakas ng sampal. Nanatili doon ang kaniyang ulo bago pilit na pinunasan ang kaniyang labi na ngayon ay nababahiran ng dugo.

Naririnig niya ang pagtawag ng kaniyang mga kaibigan sa kaniya.

"Alexis. Please, please, please." mahinang bulong nito. 

"Alexis naririnig mo ba ang kapatid mo?" sarkastikong saad nito bago muling humalakhak at inangat ang isang kamay, nagliyab iyon. "Mukhang hindi ka na naririnig ng kapatid mo." akma pa itong magpapakawala ng atake nang mabilis na itinulak ito palayo ng batang itim na dragon dahilan upang mapigilan ang atake nito ngunit nanatili ito sa kinatatayuan at tinitigan lamang ang dragon bago ngumisi.

"Tila iba yata ang nakarinig ng iyong bulong, mahal na prinsesa." 



I licked my lips and tasted the rust like taste of blood. My body is shivering from all the poison I inhaled from the black smoke. My heart is pulsating hard, it felt like it was about to burst. My head felt like it was about to split apart. My body already feels like hell inside, it feels like my blood is boiling. I couldn't be bothered more with the amount of blood I'm losing from all the wounds I have all over my body. Still, I tried to stand firmly and managed a stern look. 

My legendary pet is just beside me with eyes in fury. It's wings were raised and its gritting its teeth.

"A legendary pet huh?" sarkastikong itong humalakhak tila otomatikong nahalungkat mula sa sulok nang aking memorya.

The story behind legendary creatures. Isa ito sa mga nabasa ko mula sa librong ipinahiram sa akin ni Thalia. Napatitig ako kay Puff at halos mapamura ako nang biglang sumakit ang dibdib ko at uminit ang aking lalamunan muling lumabas ang dugo dito.

Legendary creatures have a piece of souls of entities who have died by killing themselves. It's both a reward for the good they did to repent their sins and a punishment for their irrevocable sins, a punishment for their escape, a punishment for the evil they did.  That means Puff is not just a dragon. She was someone in the past. A real person! 

Nang akma itong aatake ay agad kong nakapa ang thelysus at ginawa iyong espada. I attacked him first before he could execute his. He was able to dodge it easily but I got his right arm. It started bleeding. Napahawak siya doon at hindi ako sigurado ngunit sa ilang segundo ay tila natigilan ito bago bumaling sa akin nang may nakapintang ngisi sa labi. Muli ay naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib. Nagsimulang lumabas ang dugo maging sa aking ilong at pakiramdam ko ay maging ang lamang loob ko ay maisusuka ko. Naramdaman ko ang panginginig ng aking binti kaya agad akong napaluhod. 

I know the wound I inflicted is probably nothing. Ang mga nagawa kong atake mula kanina maging ang pagsaksak ko sa kaniya gamit ang aking espada ay tuluyan nang nawala. He's an immortal after all. Even the first queen had  to sacrifice her own life to seal him but Violet made him break the seal and make him enter into a physical body-- in her niece's body! in Alexis' body.

Alexis doesn't deserve this. She deserve the world and not the hell there is right now. Guilt started creeping in. Damn! Nagalit ako sa kaniya dahil sa magulang namin. I felt the gap after that fight even after we made up. That was so dumb of me. I am so stupid. And now there's no longer the hope of saving her. 

The only way we can defeat Janus was to seal him back into the necklace but now it's gone. 

Nagsimulang sumiklab ang paligid ko kung kaya't ramdam ko agad ang init mula doon. Puff started to flap its wings and tried to put off the fire. Muli akong napatingin kay Janus at  naglandas ang paningin ko sa kaniyang braso.

The wound is still there. By this time that wound should've healed already but its still bleeding until now.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniyang braso at mariin ko iyong pinagmasdan. Walang pagbabagong nangyayari doon. Ni hindi nagsasara ang malaking sugat doon at patuloy sa pagdugo.

Come to think of it. I've been using the sword of light and the sword of darkness from when the battle started. I've been attacking him with my swords and my element but all the wounds I inflicted from the beginning are all healed already except for the last wound I made with my thelysus.

Is this what Thalia meant? 

"No. It can't be." If my assumptions correct that means I would have to kill Janus with Alexis' body. 

The only way to defeat him was to seal him back and to kill him but we never considered the latter choice because it was impossible. But if the thelysus is really his downfall. Can I do it? 

Of course not I can't kill him while he is inside my twin's body. There's no way I'm going to do it. There must be another way to look at it. I might be wrong.

"Fuck it!" but there's no other way to look at it. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Paulit-ulit kong tinambol ang lupa hanggang sa magsimulang dumugo ang aking kamay. 

"Shit Aira! Calm down. Anong nangyayari sayo?" naramdaman ko ang mga brasong pumipigil sa akin. Nagsimulang muling tumulo ang luha sa aking mata. Nagsimula akong palibutan nang mga kaibigan ko. Nakita ko agad ang mukha ni Maia na nag-aalala. Nakaluhod ito sa harap ko para mapantayan ang mukha ko. Pilit nitong hinuhuli ang tingin ko ngunit paulit-ulit akong umiling.

Nagsimula akong humagulgol at naramdaman ko na lang ang yakap nito ngunit hindi man lang nito napawi ang bigat na nararamdaman ko. 

The world is just so cruel. The prophecy is true after all. I just can't believe it meant this way. There's no way I'm doing it.

"Damn it! Puff!" narinig ko ang sunod-sunod nilang mura. Yinuyugyog ako ni Maia at paulit-ulit na binaggit ang pangalan ng aking dragon.

Tila nablanko ang utak ko at nagising lamang ako nang sinampal ako ni Maia dahilan upang mapabaling ang aking tingin sa kaliwa ko at doon ko nakita ang itsura ni Puff. Umaapoy ang mga pakpak nito habang pilit niya iyong pinapagaspas dahilan upang mas kumalat ang apoy. Paulit-ulit itong umuungol ng malakas marahil dahil sa sakit.

Agad na dinaluhan nang mga kasama ko si Puff ngunit nagsimula na ding bumato ng atake si Janus dahilan upang maging pahirapan ang pagpunta sa kaniya.

Good thing Au was trying to cover up Gray and Zayn and they were able to reach Puff. Agad na nagpalabas ng tubig si Zayn na siyang bumuhos kay Puff dahilan upang maapula ang apoy. 

I need to decide. I need to make my mind. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon