Chapter 23

4K 107 1
                                    

AIRA

I woke up inside a tent. I immediately felt my body ached with the faint movement. Walang ibang tao dito bukod sa isang lalaki nakaupo at nakapatong ang ulo sa mga braso niya sa paanan ng higaan.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at maging ang bahagyang pagsakit at paghapdi sa iba't-ibang parte.

What the hell just happened?

Napasapo naman ako sa ulo ko nang maalala ang nangyari. 

The torture, the pain. Napapikit na lang ako ng maalala ko ang sakit.

Nakita kong gumalaw ang ulo ni Jay at unti unting minulat ang mapupungay niyang mata. I just stared at him. Hindi pa rin ako makabawi.

"Gising ka na pala." puna niya habang umaayos ng upo. Sibukan ko ding umupo pero hirap na hirap ako dahil sa panghihina kaya naman inalalayan akong maupo.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Just rest for now. You forced yourself too much kahit na hindi na kaya ng katawan mo pero nagawa mo pang mailabas ang ganon kalakas na atake." sagot nito, muntik pa kong mapanganga dahil sa haba ng sinabi niya at sa pagtatagalog niya. 

May sumapi ba sa kanya nung nasa Underworld kami?

"I'll get going." paaalam niya nang hindi ako sumagot.  Paglabas niya ng tent ay inis akong umirap. Iwan ba naman akong mag-isa dito?

Ang sama niya mas maaprecite ko sana kung binantayan niya ko ngayong nagising na ko kaysa kaninang tulog ako.

Napatingin na lang ako sa mga pasang natira sa katawan ko. Gumaling na lahat ng sugat pero naiwan naman ang mga pasa. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng katawan mula sa tinamo ko. 

Total wala rin naman akong gagawin at iniwan nila ko dito ng mag-isa mas mabuti sigurong lumabas na lanng ako.  Masakit na rin ang aking likod dahil sa pagkakahiga kaya alam kong matagal-tagal na rin ang naging pahinga ko. 

Medyo kumikirot ang katawan ko kapag nababanat pero kaya ko namang tiisin, mas maayos na ang lagay kaysa nung mismong araw na yun. Pakiramdam ko makakalas na ang katawan ko sa sobrang sakit. 

Nagsimula na akong maglakad palabas. |Hirap na hirap pa ko sa paglalakad para nga ako ditong isang lasing na pagala gala sa daan dahil hindi ko maigalaw ang paa ko ng maayos .

Asan na kaya yung magaling kong alaga, sigurado ko kasama niya si Master Jay niya. Palibhasa walang pake yun sa akin. Siguro nagkamali lang talaga siya ng lipad nung pinapapili siya ng master niya. 

 Paano nga pala kami nakabalik sa camp? Huling naalala ko ay nasa Auris kami. Nalaman ba nilang pumasok kami sa Underworld ng kami lang? Anong nangyari sa misyon? 

There's just too many questions bothering my mind.

Bigla ko namang naalala si Rhyan---no I mean Jerk, its been days since nung last kaming nakita. Kumusta na kaya ang mokong.

Gaya ng dati ganon pa rin ang sitwasyon sa buong camp. Ang alam ko pangatlong araw ng camp nung ipadala kami sa misyon at magtatagal lang iyon ng limang araw.

We missed some of the events in the camp. 

Wala akong alam kung ano nangyari simula nung himatayin ako. Hindi kalayuan ay nakita kong papunta na sila sa direksiyon ko. Halata sa mukha nila ang pagod dahil na rin siguro sa tambak na gawin at maging ang misyon.

"Oooh? Anong nangyari sa inyo? Tingnan nyo yang mga itsura nyo." bungad ko sa kanila dahil sa sobrang pagod nila mukha silang mga losyang. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon