Chapter 30

3.9K 97 6
                                    


AIRA

Ngayong araw ang examination namin kaya naman madaling araw palang kanina ay nakasubsob nako sa pagbabasa pero siyempre nakakain at nakabihis na rin ako para hindi nako malate.

Hindi ako makapaniwalang ilang buwan na din nang malaman ko ang tungkol sa mundong ito, malayo sa nakasanayan ko at malayong malayo sa katotohanang pinapaniwalaan sa mundong dati kong ginagalawan.

At ngayon nga ay nasa classroom na kami at nagtatake ng 100-item test per subject. Magkakahiwalay ang upuan namin at gumamit sila ng illusion para hindi namin makita ang nasa paligid namin kaya parang mag-isa lamang ako sa isang kwarto kahit ang totoo ay magkakatabi lang kami.

Nasa walong subject ang kailangan naming itake kaya medyo matatagalan talaga. -Literature, Combat, Control, Weaponry, History, Mathematics, Science, at WAC ( witchery and crafting).

Nasa amin na din kung paano namin gustong pasunod-sunurin ang pagsagot. Una ko ng tinake ang science dahil ito ang pinakanormal na subject na madali-dali. Normal questions lang din naman tungkol sa science kaya hindi na ko natagalan dito.

Sumunod ko namang itake ay literature, karamihan sa tanong ay tungkol sa Greek gods and Goddesses pero may nakasama ring goddessess of enchantra. Nakakatuwa nga itong sagutan dahil alam kong totong nag-eexist ang mga ito dahil nakilala ko na rin ang ilan sa mga ito. Sayang nga lang at hindi ko pa nakikilala ang Olympians. Tawa din ako ng tawa sa description kay Haria dahil napakaformal at iginagalang talaga ito pero ang totoo ay may pagkaisip-bata talga yun.

Sinunod ko na rin ang history dahil medyo kabisado ko na ito since involve ang mga magulang namin dito. Karamihan ay tungkol sa pagkakatatag ng enchantra, ng mga kingdoms at tungkol din sa elementums. Nahirapan ako sa pagsagot sa katanungan na may konekson sa mga pangyayari sa panahon ng unang reyna dahil hindi ganoon kadaming detalye ang alam ko dito.

Nang matapos ako sa history ay tumayo muna ako at lumabas sa illusion, ipinasa ko ang papel kay Ma'am at napag-alaman kong break time na pala.

"Musta exam? Nahirapan ba kayo?" pagtatanong ni Au. Umililng-iling naman ako dito bilang sagot.

"Hindi naman pero may konti akong mga tanong na hindi alam ang sagot pero okay narin yun papasa naman siguro ko." sagot ko dito at tsaka ngumiti.

"Nako ayaw ko talaga pagnag-eexam eh. Ang sakit sa ulo. Tara na kain na tayo." sabi nito at akmang aalis na pero hinawakan ko ito sa braso at pinigilan.

"Teka hindi ba natin hinhintayin sina Maia?" pagtatanong ko dito kami pa ang kasi ang tapos at mukhang hindi pa tapos sina Maia at Rhyan na kasama namin sa room.

"'Ay oo nga pala sige." sabi nito at tsaka muling bumalik sa pwesto. Hindi nagtagal ay nakita namin si Zayn na mag-isang naglalakad papunta sa amin mukhang tapos na rin sa exam nila. Napakunot pa ang noo ko dahil ang alam ko ay malayo ang room nila mula sa'min kaya imposibleng napadaan lang ito sa amin.

"Hi." bati nito samin pero nginitian lang namin siya at saka kami nagkatinginan ni Au at saka nagpalitan ng makahulugang tingin.

Maya-maya lang ay lumabas na si Maia na panay ang tawa na malakas habang nakasunod sa kanya si Rhyan. Mukhang nagkakasundo na naman sila sa pangtritrip. Nang makalapit sila sa amin ay agad silang tumigil sa pagtawa at saka lumapit si Maia kay Zayn.

"Andito na pala sila, Tara na!" sabi ni Au at nauna nang maglakad. Nagsimula na silang sumunod maliban sa akin na nakatingin sa kanila Maia at Zayn na nagsisimula nang mag-usap.

"Teka may hindi ba ako nalalaman?!" malakas na tanong ko na ikinalingon nilang lahat. Bakas ang kaba sa mukha nila.

"Ano?! Ganyan na ba kayo? sabihin niyo naman sa akin oh," muli ko pang sigaw pero wala pa ring sumagot. Ganon ba kahirap sa sahihin ang hinihingi kong sagot. Napabusangot na lang ako at saka tinignan sila Maia at Zayn.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon