AIRA
Andito na kami sa tapat ng gate FA. Tama nakabalik na kami.
Hindi natuloy ang plano naming magswimming at kung bakit? Nagising lang naman kami umaga na at kailangan na naming umalis at bumalik sa FA.
Badtrip. Kita mo yan magplaplano ng night swimming hindi naman magigising.
Grabe na yung plano kong pinaggagawa kung anong gagawin namin tapos di naman pala kami magigising.
"Ano ba yan. Di man lang natuloy yung plinano natin. Nakakainis namna kasi bat di kayo nanggising." maktol ni Au habang umaaktong umiiyak. Napaismid na lang ako. Lahat naman kami hindi nagising, walang ni isa sa amin ang nagising. Malamang dahil sa sobrang pagod.
"Ilang beses ko nga sinet yung alarm ko at itinodo ko na yung volume. Walanghiya tulog mantika kasi." dagdag naman ni Maia na ngayon ay nakanguso na at hindi maipinta yung mukha halatang dismayado.
"Tsk. Tumahimik nga kayo ang ingay nyo." malamig na sa ni Lucy. Mukhang badtrip rin tong isang to. Siguro lahat kami wala sa hulog dahil maliban sa hindi natuloy ang plano namin ay madaling araw pa lang tinatahak na namin ang daan pabalik ng academy.
Tuluyan ng bumukas ang gate kaya pumasok kami dito. Sinalubong kami ng mga estudyante. Karamihan sa kanila ay abala sa kani kanilang ensayo. Mayroong by grupo grupo , may nagsosolo sa gilid, at ang iba naman nanunod lang at kumakain o di kaya nagmumuni.
Napatingin sila sa amin ng mapansin nilang bumukas ang gate. Ang iba ng nagbubulong bulungan ng kung ano ano. May bumabati sa amin pero di namin sila pinansin dahil gaya ng sinabi ko ay wala pa sa matinong estado ang utak namin.. Wala kaming time para mangentertain ng kahit sino siguro kung pumatay baka pwede pa. Para kaming mga zombieng naglalakad kulang na lang itaas namin ang mga kamay namin.
Nagdirediretso lang ako sa office ni mama at inunahan ko na sila. Hindi na ko nag-alangang kumatok at dirediretsong pumasok sa office.
Naabutan ko si mama na naka-upo sa couch habang may hawak na tasa. Napatingin naman ito sa akin dahil sa padabog kong pagsara sa pinto.
Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang tasang hawak niya at ininom ito.
"Akin yan. Ano ka ba? Magtimpla ka nga nang sarili mong kape!" bulyaw sakin ni mama.
Di ko na lang siya pinansin at linagok na ang natitirang laman ng tasa.
Inis naman akong binato ni mama ng unan na nadampot niya sa tabi niya kaya kumuha rin ako ng unan para sanggain ito. Kaya aksidente kong nabitawan ang tasa at nabasag ito.
"Aira!" galit nitong sigaw sa akin.
Tinawanan ko naman ito kasi sa tuwing ginagawa niya yan. Lumalaki ang butas ng ilong niya magkasalubong ang kilay at lukot ang mukha.
Tumakbo na agad ako para iwasan ang pagbato niya sa akin ng kung anong madampot niya. Natigilan lamang siya nang tuluyan nang pumasok ang iba na kaninan pa yata nasa pintuan.
"Greeting headmistress." walang ganang bati nila at parang patay paring umupo sa couch.
"So how was it?" pormal na tanong nito pero halata ang pagkasabik sa boses niya. Mukhang gustong gusto niya talagang malaman kung anong naganap habang nagtraitraining.
"It was great." Gray managed to say kahit mukha na siyang lantang gulay na nakahiga sa sofa. The others didn't bothered to answer, all of them seemed half dead all seated in the couch with their consciousness lurking in the wild.
We're too exhausted to comprehend.
"I know right. We had a great experience back then too. Did you know that your dad actually confessed there while were also having our training. Kasama din namin doon ang mga magulang niyo. It was a really fun experience" kwento ni mama and this time halata mo na ang excitement sa mukha niya. I sighed one moment we were walking into the woods and then were inside this office and now we are taking a trip to memory lane. Hindi ba pwedeng magpahinga muna kami?
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Fantasy[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...