Chapter 26

3.7K 136 5
                                    

AIRA

Everything I could see is darkness, it was as if I was in another dimension. Pakiramdam ko nakapikit ang mga mata ko dahil sa kadiliman pero sa kabila noon wala akong maramdamang takot o kaba.

"And what is darkness?"

Paulit na ulit na nagplay sa utak ko ang tanong na yan.

Is he trying to blow my mind off? Akala ko napakadali lang sagutin ng tanong pero lahat ng sagot na naibigay ko ay mali. It's as if there was no right answer.

Darkness is somewhat used as a metaphor of evil and hopelessness but just like happiness to love, it doesn't fit in all aspects. Love is not always happiness, it can be pain, sorrow, yearning, rage it could be anything. Darkness is not evil.

Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa kadiliman. I succumbed myself in darkness and I felt at ease. I felt safe being one with darkness as if it embraced me together with my flaws completely.

Lumipas ang mga sandali at hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nasa dilim.

Maybe once in your life you have to learn to embrace darkness. Let yourself get yourself lost on the pits of it you might find the meaning of darkness at a frequency that is beyond what humans perceive.

Darkness is a complex entity still not fully understood by everyone.

That moment I stood up, it felt like I was somewhat better. Once again I found another piece and it was fulfilling.

"Darkness is an entity understood in such different angles which could be perceived by people, but for me it could be anything."  

Matapos iyo ay muling nagbago ang kapaligiran. Nasa damuhan na ulit ako at nakita ko si Rhyan na nasa posisyon niya pa rin kanina at mukhang hindi man lang gumalaw mula roon. Ngunit ang pinagkaiba ay wala na ang araw at maging ang mga ulap kanina, tanging mga bituin, and buwan at kadiliman na lamang ang natira sa langit.

Gaano ba ko katagal nandon?

"Sa wakas nagising ka na din." salubong sakin ni Rhyan habang nag-uunat.

"Buong maghapon akong tulog?" gulat na sabi ko at saka tumayo na rin at pinagpag ang suot ko. Ramdam ko pa ang sakit ng puwet ko at maging ng leeg ko senyales na kanina pa ako nasa ganoong posisyon. 

Hindi ko man lang napansin ang oras. 

"Hating gabi na kaya kailangan na nating bumalik ng Academy, baka hinahanap na tayo." sabi niya at saka humawak sa akin sa isang iglap ay nasa harap na kami ng dorm. 

Wala nang naging maayos na pag-uusap sa pagitan naming dalawa, maging ang tungkol sa training or simpleng paalam. Pumasok na ko sa loob at agad na sumalubong sa kin ang mapang-asar na mukha nila Maia at Au. Mukhang sisimulan na naman nila ko nang pagtatanong at pang-aasar kaya pinigilan ko na agad sila.

"Pagod ako kailangan ko nang magpahinga." paalam ko at saka nagtungo sa kwarto. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata nila at maging ang bulungan nila pero hindi ko na pinansin yun.

Pakiramdam ko hinang hina ako.

--


Kasalukuyan ako ngayong kumakain sa dorm. Mag-isa lang ako ngayon,pumasok sila Au at Maia. Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa yung dalawang yun eh. Dapat nga hindi na sila pumapasok eh. Kabisado na yata nila lahat tungkol sa enchantra. 

Hindi na ko pumasok dahil sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko nanghihina ako. Sabi nila Au at Maia na sila na daw ang bahala na sabihin sa mga profs na masama ang pakiramdam ko.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon