Chapter 16

5K 150 2
                                    



AIRA

I woke up in the middle of the night. My body is aching everywhere and I can feel myself sweating really hard. Agad akong napabalikwas nang bangon dahil doon. Napalingon ako sa nakabukas na bintana kung saan pumapasok ang malamig na ihip ng hangin dala ng gabi. Napakunot noo na lamang ako. Why am I sweating then?

Pumpasok ang liwanag mula sa labas. Mula ba iyon sa buwan? I guess the moon is shining brightly tonight then. Napadako naman ang aking tingin sa lamesa kung nasaan nakapatong ang libro na ngayon ay nagsisimulang umilaw. What's going on?

I got up from bed before reaching for the book. Nang buksan ko iyon ay nagsimulang lumabas ang isang simbolo ng bilog na buwan na agad ding nawala.

"What was that?" takang bulong ko. Agad naman akong nagtungo sa bintana at sinilip ang labas at doon nakita ang bilog na bilog na buwan. Tila kumikinang ang paligid dahil sa maliwanag na sinag nito.

Dahil na rin sa liwanag ay tanaw na tanaw ko ang bulto ng isang babae na nakasuot ng itim na balabal. Halos kilabutan ako dahil kitang kita ko ang ngising nakapinta sa mga labi nito sa kabila ng malayong distansiyo. Ramdam ko rin ang kilabot dahil sa nararamdaman kong titig nito kahit pa natatakpan ang mga mata nito.

Kibit balikat akong muling bumalik sa kama dahil na rin sa panghihinang nararamdaman. Ibinalik ko sa pagkakapatong sa lamesa ang libro. Mabilis din akong nakatulog dahil na rin sa pagod.

--

I felt so droopy while sitting on my usual spot in our classroom. I feel so drained and exhausted only the view of the sky from the window calms me but still I have to focus in front since Miss Turiano is speaking.

"There would be an upcoming camp for the three schools of Enchantra. ." paliwanag ni Miss Turiano.

"Ma'am, kasama po ang students ng dalawang schools bukod sa Fantaisie Academy?" pagtatanong nung isa sa babae kong kaklase. Halos mapatampal na lang ang lahat sa kanilang noo dahil doon.

"Kasasabi ko lang diba? Areyou listening? By the way may iba't-ibang activities din na pwede niyong salihan." dagdag niya pa.

"There will be pageants, hunting, combat, amazing race and dimension games. May iba pang activities and makikita niya na lang yun sa schedule. And yes,everyone is required to join at least one activity depending on the program." paliwanag pa ni Miss Turiano.

"And regarding naman sa Pageant. We need to have a representative. Can you recommend a candidate?" tumingin sa palibot sa room habang nakataas ang kilay. Nagsimula namang mag-ingay sa loob ng room. Iba't-ibang pangalan ang nababanggit. Narinig ko rin ang pangalan nila Maia at Au. Pero nangngibabaw ang 'Aira', kaya naman kunot na kunot ang noo.

"Aira, are you willing to be our representative?" tanong ni Miss kaya nagtinginan sakin ang mga classmates ko. Mukhang naghihintay sila ng sagot ko. Maging sina Maia at Au ay panay ang bulong sa akin.

"No." maikling sagot ko habang bakas ang pagtutol sa akin mukha. Narinig ko naman ang pag-angal ng iba. It's just that me and pageants don't go well together. No way.

"Pano ba yan? Ayaw ni Miss Gale na maging representative? Naku kung kaklase niyo lang ako, ako na lang sana rumampa." sabi pa ni Miss Turiano kaya naghiyawan na naman ang kaklase ko. Miss Turiano's duality scares me sometimes. She's way too different when she's teaching the class. Sa tingin ko hindi ko na kakayanin pang magkamali ulit sa loob ng klase niya. Once is enough. It was just too traumatizing.

"Anyways well decide about that later, how about for the boys?" tanong naman ni Miss Suzette.

"Rhyan!!!" this time hindi man lang nahati ang sinsigaw ng mga ito at halos sabay sabay pang nagtilian.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon