Chapter 3

12.1K 289 5
                                    

AIRA

Maaga ang naging gising ko ngayon dahil sa di ko malamang dahilan. Hindi ko din naabutan si Mama pag-uwi ko kahapon, wala din siya kaninang paggising ko. Marahil ay may inaasikaso na naman ito sa trabaho. Nasanay na rin ako sa ganitong ayos namin. Wala akong nararamdamang sama ng loob sa kanya dahil nagagawan niya pa rin ng paraan para magkaroon siya ng oras para sa akin.

Those efforts were enough for me, I couldn't ask for more. She treated me fairly, like I was her own. She fostered me with care and love. She's been a great mother figure to me though she's more like a bestfriend figure for me.

Papalabas pa lang ako ng pinto ay natatanaw ko na ang bulto ng isang matangkad na lalaki na nakapamulsang nakasandal sa poste. Kunot noo akong nagpatuloy sa paglalakad. His tall and arrogant figure stood out even from afar. Anong ginagawa niyan dito? Naligaw ba siya ng daan papuntang school.

Sadyang madadaanan ko siya ngunit pinilit kong yumuko upang hindi niya ako mapansin. Naalala ko pa ang kabaliwan niya kahapon. His handsome front must've served as a good diversion from his weird attitude. Hindi mo man lang mapag-iisipang may tinatago palang kawirdohan sa katawan ang lalaking iyon.

"There you are." Napahigit ako nang hininga nang maramdaman ko ang paglambitin ng braso sa aking balikat. Natigil ako sa paglalakad at kunot noong nag-angat ng tingin. Iwinaksi ko ang braso nitong nakaakbay sa aking balikat at sinamaan ng tingin.

Ano bang akala niya sakin? Masyado naman yata siyang feeling close. We've been classmates for just a day not even a week. Why is he acting like we've known each other for years?

"Bakit ganyan ka makatingin? You look like a beast ready to devour a prey." Saad nito at binigyan pa ako ng inosenteng tingin nang ambahan ko ito ng batok. Between the two of us, he looks more of a beast, he's freaking towering with his height and damn he has a well-built body (but not bulky) -- which I don't know if justifiable for our age -- so I'm looking real small beside him, I feel like a kid.

"Why do you keep on pestering me? May gusto ka ba sakin?" he laughed at my face as if a joke is written in it. He held his stomach and bent down from too much laughing. His face started turning red, now he's looking like a tomato.

I shrugged and continued walking leaving him. Parang nag-eenjoy siya sa pang-aasar sa'kin, but I won't give him the card to do so. The best thing to do is to bore him out. Malamang titigil din siya sa pang-aasar sa akin. I have to calm my nerves, he's not worth a space in my head.

"Hey. I didn't know you were that aggressive." Napairap na lang ako nang nasa gilid ko na siya at kasabay ko na sa paglalakad. Kudos to his long legs. Nanatili sa daan ang aking daan. Tanaw ko na mula dito ang gate ng school kaya mas nilakihan ko ang aking hakbang.

Hanggang sa pag-aakyat sa building naming at sa pagpasok sa room maging sa pag-upo ay nanatili itong nakasunod sa akin. Kamalas-malasan pang katabi ko ito kaya hindi ko talaga siya maiiwasan.

Napahalumbaba akong tumingin sa labas upang abalahin ang sarili ko. There have been a lot of weird things happening in my life so I couldn't help but to think. I saw how the book glowed last night when I touched it. Iyon ang unang beses ko iyong nahawakan dahil si Adrian ang naglagay noon sa bag ko nang kunin naming iyon sa library nang hindi nagpapaalam. I kept on convincing myself. Marahil ay namalikmata lang ako dahil kulang ako sa tulog.

"Miss Hernanadez,are you with us?" tanong ni Sir. Na nasa harapan ko na pala ngayon habang krus and braso at nakataas ang kilay. Hindi ko man lang namalayan na nagsisimula na pala ang klase. Napayuko ako at napakagat sa labi. I am zoning out again.

"Sorry Sir., Continue." umismid lamang siya tapos nagdiscuss uli siya ngunit nanatili sakin ang tingin ng mga kaklase ko. Nakarinig pa ako ng ilang bungisngisan kaya naman napatampal na lamang ako sa aking noo. Ramdam ko din ang titig ng katabi ko na palagay ko ay nakangisi na ngayon.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon