Chapter 46

2K 45 1
                                    


A strange dim lit hall in the underworld was turned into a rite platform. The whole place was occupied with a magic circle sculpted on the ground. Silhouettes of people in their black cloaks surrounded the circle. In the middle was the precious seal together with a man chained in both of his hands and both of his feet.

Nais nilang durugin at sirain ang kwintas na siyang nag-iisang pag-asa upang mapigilan ang matagal na nilang plinaplano. Ayaw nilang magtira ng ni katiting na butas sa kanilang plano. Para masira ito ay kailangan nila ang mata ng lalaking nakagapos upang gawin ito para sa kanila. 

Kanina pa nakapikit ang mga mata nito at pilit na iniinda ang ilang beses na paghampas ng latigo sa iba't-ibang bahagi ng katawan. He received lashes after lashes making him scream from agony. Muling namayaypag ang katahimikan at tanging ang tunog lamang ng bakal na sumasayad sa lupa.

Alam ng lahat na aya nitong kontrolin ang paggamit ng kaniyang mga mata ngunit gaya ng mga naranasan niya ng ilang taon ay may pagkakataong nawawalan ito ng kontrol. Ganoon ang nangyayari sa kaniya dahil sa ginawang ritwal kanina ng mga dark summoners dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa sariling mga mata.

"Still won't open your eyes?" ani nang isang malamyos na tinig ngunit ramdam mo ang pagbabanta mula doon. Nanpangisi na lamang ang babaeng nagmamay-ari ng tinig na iyon bago iangat ang kaniyang mga kamay at mula doon ay nagsilabasan ang daan-daang matutulis na karayom.

Una nitong ibinaon ang isang karayom na halos kasing haba ng daliri nito sa balikat nito at hinayaan lamang itong bumaon doon. Napasigaw ang lalaki.

Hinawakan naman nito ang sumunod na karayom at iginuhit ang talim noon paikot sa mata ng lalaki.

"Stop." halos pabulong na saad ng lalaki. Lupaypay na ang katawan nitong nakabitin sa kadena.

"Hindi mo naman siguro gugustuhing ako pa mismo ang magbukas ng mga mata mo para sayo." saad nito sa malamig na boses. Pagkatapos noon ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw sa buong bulwagan.

Agad na natuod si Kairo sa kaniyang kinatatayuan. Pamilyar ang boses na iyon.

"No, no, not yet! No!" paulit na sigaw ng tinig. Napakuyumos ang kamao nito dahil sa naririnig na sigaw ng babaeng tila nahihirapan. 

"Please no!" nakarinig pa siya ng ilan pang tinig na tinatawag ang pangalang ng babaeng may-ari ng tinig.

"Aira!" naalarma ito ng marinig niya ang kasunod nitong malakas na palahaw ng babae. Nagpumiglas ito sa kaniyang kadena at nagpumilit na kumawala sa kabila ng labis na panghihina.

What are they doing to her? 

--

A loud scream echoed in the battlefield. Kasunod noon ay ang biglaang pagkabuwag ng malakas na harang na tila buhawi dahilan upang magsiliparan ang alikabok kasama ang hangin. Halos mapaupo ang lahat sa malakas na puwersang iyon.

Pumorma ang isang magic sphere na pumalibot ng tila harang sa buong katawan ni Aira. Kapareho ito ng magic sphere na nasa taas ng incantation. Nang tuluyang mawala ang alikabok sa paligid ay bumungad sa kanila si Alexis na ngayon ay napapalibutan ng kaparehong mga simbolo sa katawan. Nagsimulang umilaw ang magic sphere na nasa ibabaw nito at bigla na lamang kumalat ang nakakabulag na liwanag sa paligid.


AIRA

It's too late.

Kitang-kita ko kung paanong ang dating maputlang mukha ni Alexis ay ginapangan ng malalaking maitim na ugat, pati na rin ang mga mata niyang purong itim lang ang kulay, may mga kaliskis din sa gilid ng mata niya. Nangingitim na rin ang katawan niya. Nakapalibot ang itim na usok sa kanya at kitang kita ko ang mga ngipin niyang matutulis. Nanginig ang kalamnan ko at kusa na lamang na nagsitayuan ang aking mga balahibo. 

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon