GRAY
Matapos naming kumain ay dumiretso agad kami sa tent at iniwan ang mga babae na nagbabangayan at yung iba naman nagliligpit ng pinagkainan. Kailangan namin ng pahinga. Matapos ba naman yung patong patong na ginawa namin, sino ang hindi mapapagod ang kagwapuhan.
Makalipas ang ilan pang oras nagsimula ng marinig ang tunog na nagmumula sa stage.
Ngayon ang huling gabi sa camp kaya malamang madami na ang abala ngayon para sa mga natitirang events.
"Guys, tara na magsisimula na yata yung pageant. Tara na!!! Dali!!!" biglang sulpot ni Au at dumiretso pa sakin at hinila-hila ako dahil ako ang pinakamalapit sa pinto.
Nakahiga pa kami ngayon dito sa tent dahil sa pagod. Mukhang ayaw na rin namang manood ng mga kasama ko dahil kailangan ng pahinga ng katawan namin. Pakiramdam ko nakipagbakbakan ako sa isang batalyon ng daemons.
"Tara na tumayo na kayo dyan!" dagdag naman ni Maia dahilan para magising yung iba naming kasama. Ang lakas kasi ng boses eh.
"Ano ba? Ang lalakas ng boses nyo ah!!!" pasigaw din na sabi ni Zayn, kakamot kamot pa itong bumangon. Napabuntong hininga na lang ako dahil nagsisigawan na sila, kahit kailan talaga hindi na dito magkakaroon ng katahimikan.
Nakita ko sila Nathan at Jay na tumayo na rin mula sa pagkakahiga. Napatayo na rin ako baka masigawan uli ako ni Au.
"Tara na nga." bulong ko kay Au at inakbayan siya.
"Ano ba ang bigat ng braso mo!!!" reklamo nya na at pilit na tinanggal ang braso kong nakasampay sa kanya. Lihim naman akong napangiti dahil kunot na kunot na naman ang noo niya at nakanguso pa.
"Okay. Sorry na." sabi ko sa kanya habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ere. Para kong inaaresto ng pulis.
Padabog siyang naglakad palayo sa akin at sumabay kanila Maia. Lumingon siya sa akin at binelatan ako. Nginitian ko naman siya pabalik na mukhang di nya naman napansin.
Naglalakad sana kami ng may isang estudyante na hingal hingal habang kinakausap si Aira.
Lumapit kaming mga lalaki para marinig kung ano pinag-uusapan.
"Miss Aira, kailangan mong sumama sa pageant. Walang representative ang seniors sa school natin. Kaya kailangan na sumama ka. Utos yun mula kay HM." sabi nya kay Aira habang nakahawak sa dibdib nya dahil sa hingal. Gulat namang napatingin ang mga kasama namin. Paanong walang representative? Ang alam ko nasettle na yun bago pa magsimula ang camp.
"Hindi pwede. Ayoko." pagtanggi ni Aira na halatang nagulat din.
Hindi na siya nakapalag ng hawakan siya ng babae at sinimulang hilain.
"Hey, let me go." pagmamatigas ni Aira habang pilit na inaalis ang kamay ng babae.
"Sorry po pero utos ito ni HM." yun na lamang ang narinig naming sabi nya bago sila mawala sa paningin namin.
"Teka nga lang kung si Aira ang magiging representative, sino ang kapartner nya?" pagtatanong ni Maia.
"Oo nga no at ano naman gagamitin nya? Hindi sya nakapagprepare at nakasama sa practice." sagot naman ni Au. Mukhang pati sila namomroblema sa pagsali ni Aira.
"Tara,sundan natin." at yun nagtakbuhan sila papaunta sa dinaanan nila Aira kanina.
Hindi na kami sumunod sa kanila. At dumiretso na lang sa unahan ng stage kung saan ang nakareserved na upuan para sa amin dahil kailangan na ang prescence namin doon. May tatlong table sa unahan ang isa sa amin ang isa sa mga HM at councils at ang isa ay sa Kings and Queens. Dadalo rin sila.
BINABASA MO ANG
Gloom of Luminescence
Viễn tưởng[ENCHANTRA SERIES 1] The future is in our hands they say, but what will you do when you find out that your fate has been long carved into stone not to change and only to be followed? Can you change that future only with your bare hands? Athena Aira...