THIRD POINT OF VIEW
Embed, Embed you know it Embed Embed you know its true ( tunong mula sa headphone) agad na napabalikwas ng bangon si Dave at hinawakan ang headphone na nakakabit pa pala sa kanyang tenga. Syet nakatulugan ko ang headphone.
Mabilis nyang itong tinanggal at napahilamos ng kamay sa mukha, kinusot kusot ang mata at napatingin sa tabing lamesa upang tignan ang oras. Alas singko na pala ng umaga, kailangan ko ng pumasok. Dahan dahan siyang bumangon upang di magising ang asawa.
Mabilis at maagap ang kanyang pagkilos upang mabilis makarating sa kumpanyang pinapasukan. Jansen Taxi, Inc. yan ang pangalan ng kumpanyang pinapasukan ni Dave, at isa siyang taxi driver.
“Dave ang aga natin ah” tanong ng kasamahan nya sa trabaho, isa rin itong taxi driver.
“Uu naman Jason kailangan eh, nagmamahal kasi ang saging!” nakangiti nyang sagot sa kasama.
“Uu nga pare, pati itlog, di tuloy ako makabili ng hotdog” pailing iling pang tugon sa kanya ng kasamahan.
“Mauna na ako Jason para makarami na ng pasahero” paalam nya agad dito.
Unang umikot ang taxi minamaneho ni Dave sa may Makati, at may naaninag siyang lalakeng pumapara sa kanya. Teka pinapara ba ako nito bakit di ko siya makita ng maayos seriously ang labo ng mukha, teka para sigurado paparahan ko siya sa tapat.
Paghinto nya dito, agad na kumilos ung lalakeng pumapara at umupo sa tabi nya. ”Hi I’m no Filipino” wika nito sa kanya.
Ano daw, inienglish ba ako nito? Muli niyang tinitigan ang lalakeng nasa tabi nya, sa palagay ni Dave ay kailangan pa nya magsuot ng eyeglasses dahil ang labo parin ng tingin niya sa mukha nito. Pero sa bulto ng katawan at kutis, tingin niya porenger (Foreigner) ang kanyang pasahero.
“I’m no Filipino” muli sabi nito, paulit ulit, unli kailangan sabihin ulit. Iritadong sambit ni Dave sa kanyang isip.
“Uu nga db sabi mo!” sagot nya sa foreigner.
“Speak English” utos nito sa kanya.
“Sorry Sir me Filipino, tagalog only understand” pambihira ke aga aga mapapalaban pa ang English carabao ko dito. Pinaandar na ni Dave ang sasakyan, at napatingin muli sa kanyang pasahero, para malaman kung saan sila pupunta.
Mukha naman naunawaan ng foreigner ang nais nyang iparating “Me go to Nevotes”
“Nevotes?” ulit na tanong ni Dave dito, dahil bago ito sa kanyang pandinig.
“Nevotes” muling sagot nung kano sa kanya.
Nakakunot noo tuloy si Dave at pilit na iniintindi ang gusto sabihin ng kano. Shit Dave BOBO ka Ba? Hindi mapigilan sabihin ni Dave sa sarili.
“You don’t understand me, I said Nevotes, widen your thoughts men” .
Pambihira dapat pala di na lang ako huminto sa evaporadang porenger na ito kung alam ko lang na pahihirapan nya ako ng ganito. Inis na sambit ni Dave sa sarili.
“I cant thought you sir”sagot ni Dave sa kanyang pasahero.
“Huh” parang mas naguluhan pang sabi ng pasahero niya, kaya muling nagisip si Dave kung ano ba sinasabi ng kano hanggang sa may ipinakita ito sa kanya na mapa at tinuturo ang Navotas City.
Syet lang may mapa naman pala bakit di nya pinakita kanina pa, hmmp sarap ihagis sa maisan.
Nakarating na sila sa letre ng biglang tumirik ang taxing minamaneho ni Dave. Sinubukan niya irestart ang engine ngunit hindi pa rin ito umaandar. Maging ang aircon ng taxi ay huminto narin. Mabuti nalang at naka gilid ang taxi sa tapat ng Malabon Citi Square.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)