Entry 4: Royally His

224 7 6
                                    

GENRE: Romance and Teen Fiction

They say that the vast blue sky is so beautiful.

But for me, without the fluffy, white clouds, the sky is just so lonely.

So lonely.

 

Katulad ko…

 

 

“Miss, tabi!”

Gulat na napalingon siya sa sigaw na iyon at impit na napatili nang daanan siya ng mga nagtatakbuhang mga lalaki. May mga nakakasanggi pa sa kanya kaya todo iwas naman siya. Para itong mga naghahabulan na di niya maintindihan. Hindi na naman ito mga bata!

Pero sabagay, nasa park naman kami.

“Tabi! Tabi! Tabi!”

Mabilis siyang umiwas at tumabi pagkarinig sa boses na iyon pero mali yata ang puwestong pinuntahan niya para makaiwas. The last thing she saw was a pair of sea-green eyes, bago niya naramdaman ang malakas na impact na tumama sa kanya at nagpabulusok sa kanya sa damuhan.

Pigil ang hiningang hinintay niyang mapahiga siya sa damuhan sa park na iyon pero biglang nahinto ang pagkahulog niya. Agad siyang napadilat at nagtatakang napatingin sa gray eyes na nasa harapan na niya ngayon.

“Okay ka lang ba, Li?”

Nangunot ang noo niya nang marinig ang tinawag ng lalaki sa kanya. Cool ang boses ng lalaki at masarap pakinggan, unlike sa mga boses ng mga kakilala niya na boses pa lang ay nakakairita na. Maputi ang lalaki na nagcontrast naman sa napaka-itim at bagsak nitong buhok na halos umabot na sa mga mata nito. Matangos din ang ilong nito at napansin niyang napakapula ng mga labi nito.

"Li?"

Li. Parte iyon ng totoong pangalan niyang Lilliane. Pero bakit kilala siya ng gwapong lalaki’ng ito?

“Kilala mo ‘ko?” Parang engot na nakaturo sa sariling balik-tanong niya rito.

Napapigil siya ng hininga ng unti-unti itong ngumiti. Biglang nagshine ang buong paligid at umulan ng paborito niyang wild roses. Hindi niya rin maintindihan kung bakit bigla siyang nanghina. Lumundag din ‘ata ang puso niya sa ngiti nito.

“Oo, kilala kita. Kilalang-kilala kita.” Hindi na nagregister sa utak niya ang pabulong na sinabi nito. Basta parang timang na na-captivate na siya ng ngiti nito. Na-love-at-first-sight-of-his-smile ‘ata siya.

“Ehem!”

Sa isang iglap, parang bulang naglaho ang mga wild roses sa paligid at muntik na talaga siyang malaglag kung hindi lang siya naagapang saluhin uli ni gray-eyed guy nang masira ang moment nila dahil sa pagtikhim na iyon. Kaagad siyang inalalayan patayo ni gray-eyed guy at pareho silang napalingon sa tumikhim.

"Sorry, Miss Lilliane. Hindi ko talaga sinasadya na mabangga ka. I didn’t realize that it was you. Sorry talaga." Nakakamot sa noo na sabi ng lalaking may sea-green eyes, naka-spiky hair at may dimple sa kaliwang pisngi.

Napakurap-kurap naman siya rito bago nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Nagtataka na talaga siya. Bakit siya kilala ng mga ito?

"Okay. This is getting really weird. Bakit niyo ako kilala?" Nakataas ang kilay at nakapamaywang na tanong niya sa dalawa.

The sheepish smile that they both gave her irritated her to the fullest that she gave them both a heated glare. Ang pinaka-ayaw niya'ng feeling ay iyong para siyang tanga na walang alam sa nangyayari sa paligid niya.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon