STORY 1: Lola Auring
“BABE.”
Napangiti ako. Nag-chat na ang aking babe sa Facebook! Para tuloy akong asong ulol na nakangiti sa ilalim ng aming kulambo at kaharap ang aking Toshiba laptop. “Hi rin babe.”, chat ko sa kanya.
“Skype tayo babe?”
Napasimangot ako. Kung pwede lang sana kaso hindi. Nakapatay na ang ilaw sapagkat natutulog na ang aking lola na kasalukuyang katabi ko. Oo, sa edad na bente dos ay katabi ko pa rin ang aking lola Auring, setenta anyos, habang natutulog. “Babe natutulog na si lola eh.”
“So?”, mabilis na sagot niya sa akin. Alam kong hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ng babe ko sa lola ko. Sa totoo lang ay hindi talaga sila magkasundo sa kadahilanang masyadong perfectionist umano ang aking lola samantalang ang aking nobya naman ay masyadong maarte. Sa madaling salita, ayaw nila sa isa’t isa.
Napakamot na lamang ako ng ulo. Ayoko pa namang mag-away kami ngayon sapagkat bukas ay ika-apat na anibersaryo na namin. Napangiti ako, matagal-tagal na rin pala kami. Sa unang taon ng pagiging magkasintahan namin ay magkasama pa kami kaya lang kailangan niyang lumipad papuntang Macau para magtrabaho dahilan para ang mga sumunod na tatlong taon ay isang long distance affair.
Oo sinasabi nila na imposibleng makayanan namin ang layo pero hindi ako nakikinig sa sinasabi ng iba. May sarili akong paniniwala at alam ko sa sarili ko na ganyan din ang paniniwala ng babe ko.
Napaigtad na lamang ako nang makarinig ako ng tunog galing sa aking aparato. Si babe pala, mukhang nagtataka na kung bakit hindi ako sumasagot. Nakangiti akong nagtipa, “Babe, advance happy anniversary!”
“Babe naman eh! Don’t make me iyak iyak you know?”
Natawa ako. Minsan talaga conyo nitong girlfriend k— “Aray naman la eh!”, sigaw ko nang maramdaman ko ang pagpalo niya sa pwetan ko. Ang sakit! Ang matandang ito talaga kahit uugod-ugod na eh ang lakas pa rin makapalo! Nilingon ko siya at kitang-kitang ko namang mahimbing siyang natutulog. Nakatihaya siya at ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa kanyang tiyan. Iyan talaga ang kanyang posisyon kapag natutulog.
Nagtaka naman ako. Kadalasan kasi’y tinatalakan ako nito matapos akong saktan pero ngayon, heto’t tulog. Nagkibit-balikat na lamang ako saka muling ibinaling ang tingin sa laptop. Magtitipa na sana kaya lang biglang namatay ang aparatong aking kaharap. “What the fuck?”, hindi ko mapigilang magmura.
Lowbat ba ito? Hindi. Kakakarga ko lang nito kanina at siniguro kong punong-puno ito. Pinindot ko ang power button ngunit ganoon pa rin. Hindi ko siya mai-on! What the hell?! Sira na ba itong laptop ko?!
Panay pa rin ang pagpindot ko sa power button nang may nakita akong mukha sa monitor nito. Shitbricks! Mukha ng matandang nakangisi at konting-konti na lang talaga ay luluwa na ang mga mata. Shit again! Muntik na akong atakihin sa puso nang mapag-alamang si lola Auring lamang ito. Nilingon ko siya nang unti-unti siyang bumalik pahiga at ipinikit ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)