Entry 8: Fixed Star

423 5 4
                                    

There must be some things I can’t ever do

like forgetting you

Mag-isa akong nakaupo sa children's park na palagi nating pinupuntahan noon. Madalas, ikaw yung nauuna at naghihintay sa'kin na makarating.

Pero ngayon, nag-iba na.

Ako na ang nauna.

Ako na ang palaging maghihintay.

Nasa'n ka na ba?

Napalingon ako sa katabing swing at napangiti. Doon ka parating nakaupo, hindi ba? Naalala ko pa kung papa'no tayo maglambingan sa swing na yan.

"James! Ako naman!

Sigaw mo sa'kin. Hingal na hingal ka pa nun. Hindi ko na kailangan pang lingonin ka. Sa boses mo pa lang kasi alam ko nang hirap na hirap ka na sa kakatulak sa'kin sa swing.

"Isa pa, Mae! Last na talaga!"

Lambing ko sa'yo habang pilit na pinipigilan ang pagtawa ko. Hindi ka umimik noon. Alam kong galit ka na naman sa'kin.

"Itulak mo kasi ako ng malakas para palit na tayo."

Pagkakalabit ko pa sa'yo pero inirapan mo lang ako. Ayan tuloy, di ko na mapigilan pa ang tumawa.

"Daya mo naman! Kalalake mong tao, nagpapatulak ka sa'kin eh ang payat payat ko!"

Tinalikuran mo ako habang nagdadabog ka. Para kang bata. Ang cute mo. Gusto tuloy kitang kargahin.

Tumayo ako sa swing at saka niyakap kita mula sa iyong likuran.

"Gusto mo ng ice cream?"

Tumango ka habang nakapout, kaya bigla kitang kinarga. Napasigaw ka pa nga.

"Okay! Bili tayo ng ice cream!"

Itinakbo kita papunta sa mamang nagtitinda ng icecream sa harapan ng swing kaya di mo rin tuloy napigilang mapatawa. Pati yung mamang sorbetero, masayang nakatingin sa'tin.

Napatingin ako sa hawak kong dalawang icecream ngayon. Tunaw na ito at kanina pa tumutulo sa mga kamay ko. Pero, di ko magawang itapon. Gusto ko kasing ibigay sa'yo.

Sana tulad pa rin ta'yo ng dati.

Simpleng bagay ang pinag-aawayan pero sa simpleng bagay rin nagkakasundo.

Pero alam ko naman kasing iba na.

Alam kong di ka na darating.

If I could turn back time

I would do anything

Para akong taong grasa ngayon...

Palakad-lakad na lang kung saan. Baka pagtawanan mo pa ako pag nakita mo ako.

Alam ko naman kung saan talaga ang punta ko eh. Di ko lang talaga macontrol ang mga paa ko.

Marami kasing pumapasok sa isip ko.

Maraming mga tanong ang sumasagi sa isip ko.

Sasaya ka ba talaga kung iiwanan mo na ako?

Hindi mo na ba talaga ako kayang balikan?

Wala na ba talaga tayong pag-asa?

Biglang may naramdaman akong pumatak sa ulo ko. Tumingala ako at naramdaman kong sunud-sunod na ang pagpatak nito. Bubuhos na naman ata ang ulan.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon