Entry 17: Dear Diary

375 6 4
                                    

*-*-*-*-*

Dear Diary,

Sana mapansin niya naman ako.

*-*-*-*-*

"Kung maka titig ka kay Russel parang hinuhubaran mo friend!" - Dianne.

Tinignan ko ng masama yung loka loka kong bestfriend. Tumawa naman ito dahil sa reaksyon ko. Siya lang kasi ang may alam na crush ko si Russel. Erase the word crush at palitan niyo love. Nung 1st year pa ako nagsisimulang magkagusto sakanya. Hanggang titig lang naman kaming mga babae kaya napagdesisyonan kong mag sulat ng diary.

"Che! Manahimik ka nga Dianne at baka may makarinig pa sayo." - Ako.

"Ayieee ...! Si Hannah may crush ..." - Dianne.

"Matagal ko na siyang crush ano kaba ..." - Ako.

Hindi ko nalang pinansin si Dianne at tinignan muli si Russel. Papalapit siya dito sa kina-uupuan ko ... I mean namin ni Dianne. Bumibilis ang takbo ng puso ko pero hindi ko ito pinapakita sa iba. Baka sabihin nilang baliw ako kung bigla akong sisigaw.

"Pwedeng umupo dito?" - Russel.

Tumingin ako sa paligid at puno ang mga tables dito sa canteen. Hindi naman pwedeng tumangi ako kaya pumayag nalang ako. Nilagay ko ang diary ko sa tabi ko para hindi niya ito makita. Ngumiti siya umupo sa harapan ko. Nakita kong ngumingiti si Dianne. Yung ngiti niya parang abot sa tenga na parang may masamang plano.

“Ummmm … Guys kailangan ko na palang pumunta sa classroom. May project pa pala kami. Sige una na ako!” – Dianne.

KInuha niya yung mga gamit niya at bago pa siya umalis ay kumindat siya sakin. Yung babaeng yun! Humanda siya sakin mamaya at ipapakain ko siya sa pating! Niyahahahaha (^o^)v!

“Masaya ka ata?” – Russel.

Nakabalik ako sa realidad nung nag salita ang isang anghel! Oh la la! Ngumiti ko sakanya kahit na awkward!

“W-Wala lang. May naalala lang ako.” – Ako.

“Oh. Russel by the way. Ikaw?” – Russel.

Oh Russel kung alam mo lang na gusto kita noon pa lang at alam na alam ko na ang mga pinag gagawa mo mula noon hanggang ngayon. Nakakatunaw talaga ang ngiti niya! Ansarap niyang titigan. Ang GWAPO! Thank you Lord! Thank you!

“Hello?” – Russel.

“AY! Ako nga pala si Hannah.” – Ako.

“Hannah? Nice name.” – Russel.

Inabot niya yung kamay niya sakin at inabot ko naman yung sakin. Nagshashake hands kami ngayon. Ayieee (*u*)! Sabihan niyo ako mamaya na hindi ko lilinisin tong kamay na ito. Bawal din palang may makahawak! Mahirap na baka mawala yung essence ni Russel sa kamay ko.

~ KRIIIIIIIIIIIIIING! ~

Nabigla kami ni Russel my loves nung tumunog yung bell. Nagmadali akong kuhanin yung gamit na nasa table para hindi ako ma-late sa terror teacher naming sa AP (Araling Panlipunan). May exam din pala kami ngayon kaya dapat hindi ako ma late.

“Sige Russel una na ako.” – Ako.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at humarurot akong pumunta sa 2nd floor. Nabigla ako nung hinanap ko yung diary ko at hindi ko nakita sa mga dinadala ko. Hindi ako nakalaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako. Natatakot akong may makabasa ng nilalaman ng diary ko.

“Uy!” – Dianne.

“Tell Sir. Buendia that I’m in the clinic.” – Ako.

“HAH!?” – Dianne.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon