*Flashback*
Sa school.
Kasalukuyan akong nagre-review sa ilalim ng puno dahil three days na lang ay midterm exam na. Ang sarap-sarap ng pagkakasandal ko nang may mahulog na mansanas sa ulo ko. "Aray!" napahawak ako sa tuktok ng ulo ko at hinimas ito.
Ang sakit!
Pinulot ko iyong mansanas. "Nakakapagtaka, bakit may nahulog na mansanas sa punong ito, eh punong mangga 'to?" i asked myself.
May narinig akong bungisngis ng mga lalaki. Sumilip ako sa likod ng puno.
At hindi nga ako nagkamali. Siya na naman ang may pakana nito! "Napakalaki mo talagang pigsa ka! Gusto mong mapusit, ha? Nakikita mo nang nagrereview yung tao oh! Laki talaga ng saltik mo!" sigaw ko. Sino pa nga ba kung hindi si Ren!
"Wow, tao daw? Naririnig mo ba ang sarili mo? Isa kang singit na maitim na bawal i-expose kasi kahiya-hiya!" at nagtawanan ang apat na kasama niya. Napakayabang ng bwisit na pigsa na ito kahit kailan. Sanay na ako sa kanya kasi simula pa noong tumuntong ako sa Unibersidad na ito palagi na lang niya akong pinagdidiskitahan. Ako ang palagi niyang pinagti-tripan.
"Alam mo? Para kang kulangot. Sarap mong bilugin at pitikin! Ayusin mo buhay mo nang may matuwa naman sa'yo! At F.Y.I. hindi ako maitim! At lalong hindi ako singit!" sigaw ko sa kanya. Ito ang problema ko, ang dali kong maasar, naiinis ako sa sarili ko kasi nagpapaapekto ako sa malaking pigsa na 'to!
"Ano, tapos ka nang magsalita, Nikki the singit?" ang sarap niyang i-salvage, grabe! Tuwang-tuwa siya sa pang-aasar sa'kin. Eh, wala naman akong ginagawa sa kanya!
"Alam mo Ren, wala ka ng pag-asang maging matino. Habang buhay na iyang saltik mo. Walang magmamahal sa'yo maging pink man ang uwak!" at nagwalk out ako sa sobrang inis.
*End of Flashback*
Monday na ngayon at natapos na last week ang midterm exam namin. Nakakapagtaka, walang pigsa na nangtrip sa'kin pagkatapos ng insidente sa puno last week. Mabuti na lang wala na iyong bukol ko. Ang sakit kaya nun. Pero ang tahimik ng mga sumunod na araw ko. At syempre tuwang tuwa ako. Walang pigsa, eh.
Pero ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinagti-tripan niya, eh ang dami namang iba diyan na pwedeng pagtripan. Tsh.
Nang makapasok ako sa gate ng school, siya kaagad ang nakita ng mga mata ko. After five days ngayon ko lang siya nakita. Nakikipagkwentuhan siya sa mga babaeng peymus dito sa school. Sabagay, peymus din ang pigsang iyon. Ang daming nagkakagusto sa kanya kaya pati sa facebook, isang minuto pa lang ang nakakalipas, mahigit na sa one hundred ang likes ng mga post niya. Wala naman akong paki. Makakain ko ba yon? Ikagaganda ba ng buhay ko yon? Tsh.
Nang madaanan ko sila, ni hindi man lang niya ako nilingon. Dati naman nasa gate pa lang ako sira na ang araw ko dahil sa malakas niyang trip. Pero ngayon, parang hindi niya ako kilala. Parang wala lang ba.
Naninibago ako.
Wait, mas maganda nga yon 'di ba? Para tumahimik na ang buhay ko.
Dumaan pa ang ilang mga araw at wala na talagang Ren na nang-aasar sakin. Hindi ko na din siya nakikita. Nasanay na talaga akong may tumatawag na 'singit' sa'kin. Ang baho ng tawagan namin, no? 'Pigsa' at 'singit'. Pero ngayon, wala na.
Nagbukas ako ng FB account. Scroll down lang ako ng scroll down hanggang sa makita ko ang isang post ni pigsa.
Pink na uwak ♥
5 minutes ago
Online pala si pigsa.
Anong ibig sabihin nun? In love siya sa pink na uwak? Kailan pa naging compatible ang pigsa sa uwak? Baka naman gustong magkaroon ng pigsa yung pink na uwak? Hmm... Ay, abnoy talaga ang pigsang 'yon. Pero infairness, kahit walang kwenta yung post niya madami pa din ang naglike. Wait, wala akong pakialam sa post niya, ha. Nabasa ko lang. At hindi ako defensive. Tsh.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)