When you thought you are living in hell and all around you are devils, there will be always that one angel that will give you a chance to leave hell and live in heaven.
“Ano, lalaban pa kayo? Eh dinaig niyo pa ang lampa sa pagsuntok,” sigaw nya sa apat na lalaking nakahandusay sa kalsada na pulos bugbog sarado. Kakatapos lang din nyang ilampaso ang mukha ng lalaki na balak syang suntukin sa likod. “Are you that desperate to attack someone behind their back? You are such a dim-witted little weakling!” dagdag pa niya saka pinunasan ang dugo sa kanyang labi na parang wala lang sa kanya.
“May araw ka rin, Ice! We’ll be back and by that time, I will make your life a living hell,” sabi ng lider ng gang na pinabagsak nya bago lang.
“I will expect that.” He positioned himself on his motorbike before starting the engine then took a last glimpse on the five men lying on the floor. Then he said, “I forgot to tell you but I am now living in hell so no need to bother.” And with that, he ride his bike at full speed until he is nowhere in sight.
He is Ice Villacruz, a notorious gangster who loves to fight and shows no mercy. His dark past molds him on what person he is right now. In addition to that, he believes to no God and that Jesus Christ is a false prophet giving false hopes to everyone. He also thinks that he is living in hell and all around him are devils including his own self.
Napadpad na naman siya sa isang park. Sa park kung saan dinadala siya sa kanyang masasaya at masalimuot na alala. He is just enjoying the scenario feeling nostalgic on those happy days he got to spend with his parents before they left. Mula sa malayo, napansin nya ang isang babae na seryosong nagsusulat ng kung ano sa isang pirasong papel. Pagkatapos nyang magsulat ay dali-dali syang bumili ng isang color blue na balloon at itinali dun ang papel. Pumikit muna sya bago ito pinakawalan. You could see hope and sincerity in those pair of eyes as soon as she opened it.
“What a crazy and immature lady. Tsk!” bulong nya sa sarili saka umalis.
Halos araw-araw ay nakikipag-away si Ice. Nambubugbog rin sya ng mga estudyante para kuhaan ng pera. Yun ang kanyang pampalipas oras. Isang araw, habang naghahanap sya ng isang kawawang nilalang na pagkakaperahan, nakita nya ang dalawang lalaki na may inuundayan ng suntok at sipa. Pinapanuod lang ito ni Ice at wala syang balak tulungan ang nagmamakaawang lalaki. Bakit naman nya pipigilan sa pagsuntok ang mga ito kung ginagawa nila ang gawain niya?
Aalis na sana siya para maghanap ng isang maswerteng tao na kanyang lulumpuhin ng makarinig sya ng sigaw ng isang babae na nagpahinto sa dalawang lalaki sa pagsuntok. Lumitaw ang isang babae, ang babaeng nakita nya sa park. Nawala ang atensyon ng dalawang lalaki sa binubugbog nila at nabaling dun sa babae kaya ito nakatakas.
“Ayos pare, hindi na natin kailangang maghanap ng hapunan. Nandito na mismo sa harap natin.”
“Oo nga, pwede na ring pang dessert. Grabe ang kinis, masasarapan tayo ngayon pare,” dagdag naman ng isa saka lumapit sila ng dahan-dahan sa kanya.
Bahagyang natakot ang babae dahil wala na syang matatakbuhan; na-corner na sya ng mga ito. Medyo tago at madilim pa naman ang lugar na ‘to kaya mahihirapan syang humingi ng tulong. Pinagsisisihan nyang dito pa sya nag-shortcut patungo sa bahay nila. Sana naglong cut nalang sya.
Napansin nya ang isang lalaki na kanina lang nakatayo sa may sulok at tinititigan lang sila. Tinawag niya ito para matulungan sya.
“Hoy lalaki! Aren’t you going to help me? Gusto mo bang maka-witness ng isang krimen?” pangongonsensya nya sa kanya.
Ice was taken aback from what he heard. Kung alam lang nya na he is always witnessing a crime. Not only that, sya rin ay gumagawa ng krimen. Lumapit si Ice sa kanila at tila nabuhayan naman ng dugo ang dalawa dahil dumating ang taong katulad nila na maitim rin ang budhi.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)