Pair 1: Romance + Horror (The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl)

306 3 5
                                    

Story 2:  The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl

Kasalukuyan kong kinakausap ang isang estudyante, siya ay si Misaki Ariyama- ang nakakabatang kapatid ni Aoi Ariyama.

“Try to breath in, I’m sure that you are safe here.” Maayos kong sabi sa kanya para pakalmahin ang dalagang nasa aking harapan. “Do you know who killed your sisters? Was it your brother Aoi?”

Umiling siya. “Hindi magagawa ni onii-chan iyon! I’m sure that she did that all at a-ako na ang susunod!” Nanginginig ang kanyang mga kamay. Labis na rin ang pagpapawis niya sa noo at bakas sa kanyang mukha ang takot na kanyang nararamdaman.

“Don’t worry safe ka dito.” Sabay abot ng maiinom na tubig para sa kanya. “Sabihin mo, sino yung ‘siya’ na tinutukoy mo na pumatay sa mga kapatid mo?”

Tinignan lamang niya ang tubig. “Si…si Lolita girl iyon. S-sigurado ako na siya yun!” Tumingala siya at nagsabi ng, “s-sabi niya ako na daw ang susunod….Sensei, mabubuhay pa ba ako?” Nagsisimula na siyang umiyak. Natatakot ako na ilang sandali lang ay maging hysterical na naman siya kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay. “Huwag kang matakot, alam kong mabubuhay ka pa.”

“S-sana nga po…”

-May 13, 2013

17:46 pm

Habang naghihitay akong makasakay ng jeep, mayroon akong nakatabi na isang babae na naka-lolita costume.

Noong una, inakala ko na normal lamang iyon pero unti-unti kong nabatid na ang weird niya. Bakit? Una, hindi naman ‘November’ ngayon kaya bakit ganun ang kasuotan niya? isa pa bakit ang baho niya? at ano yung itim na likido na tumutulo mula sa manikang hawak-hawak niya….?

Labis akong nagtaka kung kaya’t saglit ko siyang pinagmasdan habang hindi pa dumarating ang jeep na may biyaheng pa-Baclaran.

Naka-twin tail ang itim na mahaba niyang buhok. Tuwid na tuwid ang bawat hibla nito subalit ang bawat dulo ay tila hindi pa nasusuklay, may buhol kasi ang mga iyon...

Of course, naka-all dress din siya na kulay puti with matching sirang umbrella na katulad ng mga ginagamit nga mga aristocrat nang early 1970’s at siyempre mayroon siyang hawak-hawak na isang spooky na gothic bunny sa kanyang kaliwang kamay.

 Pero ang lubos na kapuna-puna ay ang tahi na makikita sa kanyang binti, braso at lalo na yung malapit sa kanyang pulso. Tinahi kaya niya iyon? Or tattoo lang ang mga iyon? Mukha kasing totoo ang bawat isa sa mga iyon. Nakaka –I believe kasi ang pagkatahi.

“Grabe, talagang pinanindigan niya ang pagiging nakakatakot na Lolita cosplay!”bulong ko sa aking isipan.

Nang lumingon siya sa akin, agad kong iniwas ang aking tingin.

Nakakatakot kasi siya at saka feeling ko baka sumpain niya ako kapag nakita ko ang kanyang mga mata.

Buti na lamang at dumating na ang jeep na aking hinihintay.

Tulad ko pasakay na rin ang ibang pasehero subalit bago pa man ako makaupo ay narinig ko ang isang tanong, “may girlfriend ka na ba?”

Nabigla ako sa aking narinig kung kaya’t nasabi ko ang aking current status, “wala pa, bakit?”

Nilingon ko kung saan ko narinig ang tanong at laking gulat ko ng makita ko ang nakakapanindig balahibo niyang ngiti sa aking harapan.

Matinding nerbiyos at takot ang pumaimbabaw sa aking kalooban...

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon