Criteria

762 11 8
                                    

Criteria?

Aba'y syempre may criteria. Hindi kami pupwedeng basta-basta na lang magja-judge ng walang basehan :)

1. Idea/Plot = 25

*Ito 'yung ugat mismo ng story. 'Yung mismong ideya ng writer, 'yung pinakapunto ng istorya, 'yung pinaka-essence nito. In short, the topic itself.

2. Uniqueness and Originality = 15

*Una, ito 'yung uniqueness ng story. Same old story? Cliche? We don't care! For as long as maganda ang pagkakagawa, may mga eksenang kakaiba, at may kakaibang timpla na hinding-hindi makakalimutan ng aming panlasa.

*Ikalawa, ito 'yung originality ng story. Dito na papasok 'yung.."it's my first time to read something like this!", "it's really interesting!", "something to look forward to". In short, kakaiba. Bago sa panlasa, sa pandinig.

3. Technicalities = 15 (eg. Grammar, Sentence Structure, Spelling, Use of Punctuations, Spacing, Smileys/emoticons, etc.)

*It doesn't matter kung anong language ang gagamitin, ang mahalaga, tama ang paggamit. Self-explanatory na 'to I think :)

*Formal writing po tayo. Kaya alam na :)

4. Twist = 15

*Una, ito 'yung mga unexpected scenes at unbelievable ending ng story. 'Yung tipong, "I didn't expect that!", "You got me there!", "I thought..", "What did just happened?". O basta unexpected. 'Yun na 'yun.

*Ikalawa, WOW factor. Hindi ko maexplain. 'Yun na 'yun haha. Joke. Ito 'yung kahit walang nakakagulat na ending or unexpected scene, napamangha ka na lang sa ganda ng pagkakagawa ng plot. Ito 'yung sinasabi nilang kung paano nilaro ng writer ang mga eksena. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay unexpected scene or unbelievable ending ang magiging basehan ng "twist factor" ng story. Minsan, magbabase ka sa kung paano nilaro ng writer ang mga simpleng scene, kung paano niyang isingit ang mga eksena, kung paano ang turn of events, at kung paano niya malikhaing tinapos ang storya.

5. Ending = 10

*Medyo na-explain na 'to sa twist second part. Here: Minsan, magbabase ka sa kung paano nilaro ng writer ang mga simpleng scene, kung paano niyang isingit ang mga eksena, kung paano ang turn of events, at kung paano niya malikhaing tinapos ang storya.

6. Characters = 10

*Hindi kami magbabase kung ANO ang ugali ng mga characters niyo. Magbabase kami kung PAPAANO niyo pinakita at pinandigan ang personality ng mga characters niyo hanggang sa huli. 

*Kung PAPAANO naggrow ang bida. Maliban sa consistency ng personality, after all that happened sa story, ano ng nangyari?  

7. Title = 5

*Uniqueness ng story title. Unique in the sense na mapapaisip ang reader kung bakit 'yun ang napiling title. At dahil sa uniqueness ng title na 'yun, mahihila mo ang reader na basahin ang kabuuan ng story.

*Relativity ng title sa plot ng story. Ito 'yung maganda nga 'yung title, anong konek sa plot? Ayun lang.

8. Lines = 5

*How did you deliver the lines? Nasa timing ba? Over ba? O kulang?

Makikita niyo ang mga comments nila sa comment box. Hindi rin pala ire-reveal ang identity ng writer hanggat hindi natatapos ang contest :) 

For the judges ONLY:

Format:

1. Idea/Plot = score

*Explanation:

2. Uniqueness and Originality = score

*Explanation:

3. Twist = score

*Explanation:

4. Technicalities = score

*Explanation:

5. Ending = score

*Explanation:

6. Title = score

*Explanation:

7. Characters =score

*Explanation:

8. Lines = score

*Explanation: 

I will compute and tally the scores :) -- simplyextraordinary

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon