Entry 19: Tres Marias

367 5 4
                                    

“Hi po ate Rica!”

“So cute Ms. Mica.”

“Lica! Kyaaaah! Pretty you!”

“Love you Tres Marias!”

“Idol!! All of you!”

“Autograph please?!”

“We love Tres Marias!”

“Such a very beautiful ladies.”

Ngiti dito, ngiti doon.

Ay! I introduce myself muna. I’m Lica Montemayor, 16 years old. Okay na? xD

Ang sakit na ng panga ko. >_< Hayyss, ang hirap ng buhay mala-artista. Actually, hindi naman talaga kami literal na artista. Dito sa school namin tinuturing kaming artista kasi talented daw kami, matalino and had a very angelic and beautiful face. Ewan nga namin kung bakit kami naging heartthrob dito sa school eh. Nagsimula ‘to nung first year kami...

Mag-bestfriends na kami agad pagkapasok pa lang namin ng high school kasi elementary pa lang magkakaibigan na kami.

Nag-announce yung principal kung sino daw yung gustong sumali sa singing and dancing contest. Naisipan naming sumali dahil kailangan na kailangan ni Mica ng pera. Yeah, we are not rich. Napasok lang din kami sa school na ‘to because we’re scholars.

Dun nagsimula yung kasikatan namin. Lagi kaming sumasali sa bawat contests dahil nga sa pera. Mapa- dance contest, singing contest, interpretative dance contest and even acting contest. Kaya simula nun, tinaguyod nila kaming mga ‘artista’ ng school. At may nagsasabi din samin na gumawa daw kami ng group name. Gumawa nga kami, at ang naisipan namin ay ‘Tres Marias’.

7 days ago...

“Ma’am... bawal po ang may saplot ang ulo, kailangan niyo pong hubarin iyan.” Sabi samin nung guard.

Wala rin kaming magagawa kung bawal... kaya tinanggal na rin namin.

“Yay! Ano ba naman yan! Pano napadpad yang mga yan dito? Sino ba sila?”

“Bawal ang mga ganyang itsura dito!”

“Mga basura!”

“Magaganda lang ang pwede dito!”

“Bawal ang pangit dito!”

“Hindi kayo pwedeng pumasok! Guards! Palabasin niyo sila sa school!”

Pagkapasok pa lang namin ng school... yan agad ang bungad samin.

Handa naman na kami sa mga sasabihin nila. Dati, puro puri ang naririnig namin... ngayon puro pangungutya.

Bakit kami kinukutya?

Kasi nagpakalbo kami...

Pinakalbo namin ang sarili namin para katulad namin si Mica. Kailangan namin mag-sacrifice para sa bestfriend namin. Kung ganun yung isa... ganun dapat kaming lahat. Body body system ang tawag sa pagkakaibigan namin. Lahat gagawin. Lahat pantay-pantay. Walang lamang, walang nasa baba. Dapat sabay-sabay kami, umangat man o lumubog. Ganyan kaming magkakaibigan.

-------------------

“Mica! We’re always here to support you! Please, be strong.” Sabi ko habang humahagulgol.

“Mica!!!” sabay naming sigaw ni Rica.

Please Mica. Wag muna ngayon. Gagawin namin ang lahat... please, wag muna ngayon.

“Mica...” sabi ni Rica sa gitna ng pag-iyak niya.

“L-lica, anong gagawin natin? M-malapit na!” sabi ni Rica sakin habang iyak pa rin siya ng iyak.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon