Pair 2: Romance + Comedy (Love Catcher)

289 4 8
                                    

Story 2: Love Catcher

 

****

Sunday, June 01, 2014

Last day of my summer vacation.

Balak ko sanang mag-enjoy sa araw na ito pero wala eh, namomroblema ako kung anong isusulat ko. May sinalihan kasi akong one-shot writing contest sa Wattpad. And luckily, out of twenty nine entries nakapasok ako sa round two.

Hindi nga ako makapaniwala eh. Sobrang saya ko! Obvious naman ‘di ba?

So ‘yon nga, mag-iisang oras na siguro akong nakaharap sa monitor ng laptop ko pero wala parin akong naisusulat.

Bakit ba naman kasi sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa ako inatake ng tinatawag nilang writers block?

Meron nga ba talagang ganoon? Sa tingin ko wala naman eh. Katamaran syndrome siguro pwede pa. Bigla akong napakamot sa batok ko. Hindi naman sa tinatamad ako ah, sadyang wala lang talagang pumapasok na idea sa utak ko.

Magta-type na dapat ako nang may narinig akong nagdi-dribble ng bola. Marahas naman akong napalingon sa pinanggalingan ng ingay na iyon. And there I saw Brent, ang aking gwapong—este asungot palang kababata at kapitbahay.

Lumapit naman si Brent sa kuya kong kasalukuyang naglilinis ng aquarium ngayon. Nandito kasi ako sa garden namin, tapos sina kuya naman nasa kabilang side kaya klarong-klaro ko sila mula dito.

“Uy, Kuya Sam! Matagal pa ba ‘yan?” tanong niya.

“Malapit na ‘to. Maupo ka na lang muna diyan.” Sagot naman ni kuya.

Sa totoo niyan, kami ni Brent ang magka-batch pero mas close sila ni kuya. Nakakainis naman kasi siya! Ipinanganak lang yata siya sa mundong ito para guluhin ako araw-araw eh. Kaya ayun, imbes na magkasundo kami, palaging parang may giyera ‘pag nagkakatagpo kaming dalawa.

Mabuti na lang at gwapo siya kaya medyo, medyo lang naman, nae-enjoy ko pa ‘yong ginagawa niya. Kung hindi, matagal na siyang burado sa mundong ito.

“Kuya, kilala mo ba kung sino ‘tong si Jessa?” narinig kong tanong ni Brent.

Napatigil si kuya sa paglalagay ng tubig sa aquarium, “Sinong Jessa?”

 

“Kapatid daw niya si Tiffany? ‘Yong kaklase mo?”

 

“Ah! Oo, naaalala ko na nga ‘yang batang ‘yan.”

“Cute ba ‘tong si Jessa? Maganda ba? Para kasing maganda sa text eh. Sinabihan ko ngang cute, pero ang humble. Tapos tinawagan ko rin siya, maganda din naman ang boses. Kaya pakiramdam ko, maganda talaga siya.”

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon