Naranasan na ba ninyong maging isang class representative? Ako- since first year hanggang fourth year, yan ang naging gawain ko sa school bukod sa pag-aaral ng mabuti at pagiging assistant librarian. Masaya at sanay na ako sa mga gawaing iyon. Minsan nakakatamad at nakakainis pero naka-survive naman ako eh at isang taon na lang bago ako maging isang college student.
Ako si Ai Miyamoto. Ang class representative ng section B ng Cherry Blossom High School. Pumasok ako sa paaralang ito dahil ito ang dating pinasukan ng aking ina noong nasa high school pa lamang siya.
Normal lang naman akong estudyante dito. Ang pinagkaiba ko lang sa iba ay ang madalas kong pag-attend ng mga meetings para sa class representatives, paggawa ng teacher errands at ang madalas na pagtulong sa pag-check and distribution of papers para sa aking homeroom teacher.
Sa loob ng school namin halos lahat ay kasundo ko mapa-student or teacher pero may isang namumukod-tangi sa lahat. Siya ay si Mr. Rio Shimazaki a.k.a. “Sakura Man.” Actually siya ang homeroom teacher ko ngayong taon pero mas kilala ko pa si Ms. Kawaii Yuki- ang aming student teacher kaysa sa kanya.
Bakit? Dahil minsan lamang siya magturo, madalas na self study kami pero buti na lang at nandyan si Ms. Yuki para gabayan kaming lahat, yun nga lang medyo mahirap siyang intindihin kasi...iba siya. Yung para bang nagpapanggap siya na gusto niya ang pagiging guro or baka nag-aassume lang ako? Basta para sa akin ay ganun siya.
Naglalakad ako ngayon papunta sa aking school ng mapadako ang tingin ko sa kaliwa at nakita ko siya. Ah! Ginagawa na naman niya…
Papasok na ako sa aming school nang makita ko si Sakura Man sa bandang kaliwa ng sakura tree. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng puno. Ewan ko ba kung bakit mas inuuna niya ang pag-aalaga sa namamatay na puno na iyan sa halip na magturo sa amin…
Nang magkasalubong kami ng paningin ay tumungo ako at bumati. “Magandang umaga po!” sabay bigay ng isang sarkastikong ngiti. Hayss, hanggang kailan ba siya mag-aalaga ng puno na yan? Dapat gawin niya ang gawain ng guro hindi ang gawain ng isang hardinero!
Sa halip na sumagot ay tumungo lamang siya sa akin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa puno. “Ang weird talaga niya.”bulong ko sa aking sarili habang papunta sa aking classroom.
Nang makapunta ako sa classroom ay may nakalagay sa board na ‘SELF STUDY.’ Bumuga ako ng isang malalim na hininga. Sabi na nga ba at ganito na naman ang mangyayari.
Maya-maya ay dumating si Ms. Yuki. Nang mabasa niya ang nakasulat sa pisara ay binura niya ang nakasulat dito at nag-announce sa harapan ng buong klase. “Hindi self study ngayon dahil darating si Rio-sensei ngayong araw na ito.”
Marami ang tumawa at nagsabi ng “Booo! Boo! Boo!”
Alam kong pambabastos na ito kung kaya tumayo ako para makuha ko ang atensyon nilang lahat sabay tanong sa kanya. “Ms. Yuki, talaga bang si Rio-sensei ang magtuturo sa amin ngayon?”
Bago pa man ito makasagot ay bumukas ang pinto at nakita ko si Sakura Man sa harapan. Halos lahat ay tumingin sa may pintuan dahil nandoon siya. Pero sa halip na batiin kami ay dahan-dahan siyang pumasok na tila hindi ramdam ang pagkakagulo namin kanina.
Agad akong umupo sa aking upuan samantalang pumunta naman sa may corner si Ms. Yuki para magbigay-daan kay Sakura Man.
Ang ipinagtataka naming lahat ay ang pagdaan niya sa mga upuan namin. As in bawat isa ay nilakaran niya. Kailangan ba talagang gawin niya iyon? Kasabay din nito ay ang paglalagay ng isang sulat na nakabalot sa isang puting envelope.
Bukod sa amin ay binigyan din niya si Ms. Yuki ng dala-dala niyang mga envelopes pagkatapos ay nagtungo siya sa unahan at nagpahayag ng kanyang malalang sakit.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)